Chapter 30: Evil Kurt

291K 3.3K 272
                                    

Umaga na naman..Ang bilis lumipas ng araw. Hanggang ngayon hindi ko parin pinapansin si Kurt kahit nakatira lang kami sa iisang bahay..

Eh bakit pa? Wala din naman akong sasabihin..

Bitter na kung bitter..OA na kung OA..basta ayoko talaga siyang kausapin..

Saturday ngayon kaya walang pasok, noon nasisiyahan talaga ako sa tuwing dumadating ang Sabado pero ngayon iba, parang gusto kong pumasok sa eskwelahan ngayon para maiwasan lang si Kurt. Ayokong makita siya, naiinis ako, naiirita ako, nasisira ang araw ko.

Gusto ko na sanang mag almusal kaso baka andun pa si Kurt sa baba..Ayoko siyang makita..Kaya nanatili na muna ako sa kwarto para hindi kami magtagpo ni Kurt at magkasabay sa pagkain.

30 minutes na nakalipas pero gutom na gutom na ako..

Cge na nga..Magbebreakfast na ako kahit andun pa siya sa baba..Kasi kapag later pa ako magbebreakfast eh hindi na breakfast yun..Lunch na diba?

Bumaba na ako..

"Goodmorning Yumi..Kain ka na..Hinintay talaga kita para sabay na tayong kakain.."

Gusto ko na sanang bumalik sa taas para lang hindi na masira ang araw ko.

Diing doong..

Ke aga-aga pa pero meron na kaming bisita kaagad. Hindi ko alam kung sino naman ang andito. Baka ang Shanice niya naman. Nakak bweset. 

"Ako na magbubukas..Umupo ka na diyan.." pagpepresenta ni Kurt..

Bibilisan ko na lang ang pagkain para pagbalik niya tapos na ako..Umupo na agad ako at kumuha na ng pagkain sa plato ko ng biglang..

"Yumi may naghahanap sa'yo.."

Sabi ni Kurt.

“Sino?” 

"Goodmorning Yumi.."

"Gab? Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang sana kitang yayain e..Kung okay lang sa'yo at sa asawa mo.."

"Ano kaba..Okay lang iyan..diba Kurt?"

tiningnan ko si Kurt sa mata..

"hin...."

pero pinutol ko iyong sinabi ni Kurt..

"Oh see..Payag na siya..saglit lang maliligo lang muna ako tapos aalis na tayo ha?"

Umakyat na ako..Hindi na lang ako mag aalmusal...Buti na lang at andito si Gab..

Pagkatapos kung maligo at magbihis bumaba na ako..

"Let's go?" sabi ko kay Gab

"Cge.."

"Pare mauna na kami.."

Hindi sumagot si Kurt..Bad trip ba? hahaha..bagay lang sa kanya iyan..

"Saan pala tayo pupunta?"

tanong ko kay Gab habang nasa kotse kami..

 "Magpapasama lang sana ako sa'yo..May gusto kasi akong bilhin.."

"Ahh ganun ba..Ano naman yun?" tanong ko

"Malalaman mo iyan mamaya.."

Kararating lang naming ng mall..

Riing…Riiing..

Kurt Calling…

Kinancel ko iyong call..

Riing..Riing..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon