Extra Chapter 2

226K 2.1K 93
                                    




“Yumi, tapos na bang magbihis?”


Kinakatok na ako ni Kurt.


“Sandali nalang. atat na atat ka naman kasi eh.”


“Bilisan mo, madami pa tayong pupuntahan.”


Binilisan ko na iyong pagbihis saka ako lumabas ng banyo. Umupo na ako sa harap ng salamin para ayusin ang buhok ko at maglagay nadin ng make up.


“Mag mamake up ka pa? Hindi ka pa tapos?”


“Huh? Anong gusto mo? Magmukha akong yaya kapag magkatabi tayo?”


Nong nasa airport kasi kami kanina, napansin ko agad iyong ibang beauty ng mga koreans. Ampuputi nila at ang kikinis ng mga mukha niya.


Ayoko namang magpatalo noh. Baka akalain nilang walang maibubuga ang mga pinay pagdating sa kagandahan.


“Hindi naman sa ganun, kaya lang kahit hindi ka na maglagay ng make up maganda ka naman eh.”


“Light make up lang naman ilalagay ko. Don’t worry. Hindi ako magmumukhang zombie nito. hehe”


Nagmamake up ako pero light lang talaga. Ayoko kasing magmukha akong zombie dahil sa sobrang kapal ng make up.


“Bilisan mo na.”


“Oo na oo na.”


Tinali ko lang iyong buhok ko tapos naglagay ng konting make up.


“Tapos na ako. tayo na atat na atat ka kasi diyan.”


Kinuha ko na iyong bag ko at sabay na kaming lumabas ni Kurt sa hotel room namin.


“San ba kasi tayo pupunta?”


Tanong ko sa kanya.


“Sa Lottle World. Maganda daw don.”


“Lottle World? Ano iyon?”


“Secret na muna. Malalaman mo nadin iyan mamaya.”


Ang totoo niyan first time ko pa talaga dito sa Korea kaya excited na akong libutin ang lahat ng ‘to. I heard masasarap daw iyong pagkain nila lalo na talaga iyong beef kaso lang eh hindi talaga ako marunong mag Korean. Konti lang talaga, isa lang to be exact. Annyeonghaseyo? Iyon lang alam ko. hahah


“Pano mo naman nalaman ang lugar na iyan?”


“Internet. hehe.”


Paglabas namin ng hotel, may taxi ng naghihintay sa’min. Si Kurt nadin iyong kumausap sa driver. Hindi ko alam na marunong pala si Kurt magkorean. Nakakabilib talaga.


Dahil first time ko dito sa Korea, hindi ko na kinausap si Kurt habang nasa loob kami ng kotse dahil sa sobrang busy ng mga mata ko sa mga tanawin na nakikita ko. Hindi pala uso dito ang jeepney, puro bus lang kasi iyong nakikita ko.


Sobrang linis din ng lugar nila. Hindi katulad sa atin na kahit saan ka lumingon may usok. Pero kahit na ganun iyong lugar namin hindi ko parin iyon ipagpapalit sa ibang bansa.


Hanggang sa may nadaanan kaming parang foutain na maraming tao. Gusto kong bumaba don kaya lang hindi ko na nasabi kay Kurt.


“Andito na tayo Yumi. Bumaba ka na.”


Binayaran na ni Kurt iyong driver ng taxi saka siya bumaba nadin.


“Amusement park?”


300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon