Chapter 48: Innocent Yumi

249K 2.8K 194
                                    

KURT's POV

Binisita ako ni Vince..Lumabas na muna si Yumi para makapag-usap kami..

"Kurt..Kumusta na ang sugat mo?" tanong niya

"Galos lang 'to..Malayo sa bituka..hahaha.." tumawa din siya

Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Vince pero ngayon parang nakalimutan namin ang lahat ng mga hindi pagkakaunawaan..Parang ganun parin dati.. Walang ilangan..

"Pare, gusto ko lang palang humingi ng tawad sa...." hindi ko na siya pinatapos..Ayoko na kasing magdramahan pa kaming dalawa dito..

"Kalimutan na natin yun pare.."

Tumawa lang siya..tumawa din ako..Ayun nagtawanan lang kami..parang dati lang..Tumatawa kami ng walang dahilan.. 

"Siyanga pala Kurt..Nag-usap kami ni Yumi nong isang araw.."

bigla niyang sabi..

"Tungkol naman saan?"

Tapos tumawa ulit siya..

O_o Gulat naman ako don..parang baliw talaga itong si Vince..haha..ganyan na talaga siya noon paman..

"Hindi ko alam pare pero napaka inosente pala ng asawa mo..hahaha..Akala ko kilala ko na siya nong nagkasama kami sa trabaho..Marami pa pala akong hindi nalalaman sa kanya..hahaha.."

Hindi talaga siya tumigil sa pagtawa.hahha

“Anong ibig mong sabihin?"

"Sabi niya kasi na huwag ko daw sabihin sa inyo na si Shanice ang may pakana ng kidnapping.."

"Bakit naman?" tanong ko..

Alam ko naman si Shanice talaga iyong may pakana ng lahat pero hindi ko maintindihan kung bakit  ayaw sabihin ni Yumi sakin..eh asawa niya ako..

"Dahil dito.." sabi ni Vince

Kinuha niya iyong phone niya at may pinindot..

"Paanong hindi ako makikialam eh ako ang nag-utos sa'yo..Ako ang boss mo kung nakakalimutan mo Vince..Binabayaran kita.."

"What are you doing Vince? We're in the middle of discussing our plans for tomorrow..Nakikinig ka ba?"

Hindi ako nagkakamali..Boses iyan ni Shanice..

"Nakikinig ako.."

 "Tss..Anyway..Tinulungan na kita sa trabaho mo..I did something very special yesterday..Talo mo pa kasi ang pagong dahil sa sobrang bagal mong kumilos.." 

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Hmm..Simply lang..Pina-inom ko ng sleeping pills si Kurt kagabi..Alam ko kasing nag-away sila ni Yumi dahil sa'yo..Thanks for that nagkaroon ako ng pagkakataon para magawa ang plan ko.."

"Anong ginawa mo pagkatapos?"

 

"Dinala ko siya sa isang motel..Naghire ako ng photographer para kunan kami ng pictures papasok ng motel at pinadala kay Yumi..Tapos pinaniwala ko si Kurt na may nangyari sa'min..And believe me..Hindi pa diyan natatapos ang lahat..Nagsisimula pa lang ako.."

"Bakit mo ba ginagawa ito Shanice?" bigla niyang tanong

"Bakit? Because of Yumi.."

"Ano bang ginawa ni Yumi sa'yo at ganyan ka?"

"Wala ka na don Vince..Nakipagkita lang ako sa'yo para sabihin sa'yo na tutulungan kita bukas..Naghire ako ng sampung tao para hindi ka na mahirapan sa pagkidnap kay Yumi..I'll call you back tomorrow.."

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon