Chapter 15: Wedding Day

309K 3.7K 186
                                    

It's been almost a month na since na meet ko parents ni Kurt..

And for now, ito na ang araw na pinakahihintay ng mga tao..But for me, ito na ang araw ng pagluluksa ko..

Sana hindi ko ito pagsisisihan..I'm only doing this for my Dad..

Busy na silang lahat..Ewan ko ba sa kanila at natataranta sila. Pwede namang hindi sila magmadali..

Nakaupo lang ako at nakaharap sa salamin. Walang ka emoemosyon ang mukha ko. Poker face. Hindi ko kasi alam kung anong dapat na maramdaman ko ngayon. 

Eh kung si Gab ba naman sana ang kasama ko mamaya sa altar eh di sana hindi na ako nakatulog kagabi..Sana naiiyak na ako ngayon dahil sa sobrang excitement at tuwa kaso hindi eh. Si Kurt ang pakakasalan ko. Magpapakasal kaming dalawa dahil lang sa kailangan niya ako, at may ginawa siyang pabor sa’kin.

And to think hindi pa kami nagpansin simula n'ong gabing nakita ko sila ni Shanice.. Hindi ako nagseselos, I'm sure of that..Sigurado ako sa nararamdaman ko para kay Gab. Naiirital ang talaga ako dahil sa ginawa nila. Kung ganun talaga nila ka gusto ang isa’t isa eh di sila nalang magpakasal.

300 days from now, matatapos na ang kontrata namin ni Kurt.. Siguro pwede na kami ni Gab..Sana mahintay pa niya ako..

"Yumi you're all set. Ilang saglit lang aalis na din tayo.."

Sabi ng Mommy ni Kurt sa'kin.. Tumango lang ako.. Hindi man lang ako nag smile..Ang hirap.

"Are you okay? Mukhang hindi ka masaya..May problema ba?"

 Tanong ni Mommy ng mapansin niyang hindi maganda ang reaksyon ng mukha ko.

"Ay hindi naman po. Kinakabahan lang po talaga ako.. Naalala ko din si Dad."

Sabi ko sa kanya

"Kurt told me about that..I'm sorry Yumi wala akong nagawa.." 

"Ayy ano po ba kayo..Okay lang po talaga..Hindi naman ho kailangang magsorry"

Tapos nag smile na ako sa kanya..

"Mas gumaganda ka kapag ngumingiti ka.. Be happy Yumi, It's your day..I just want you to know na masayang masaya ako at ikaw ang napili ni Kurt.."

Gusto ko din pong ngumiti pero wala po akong rason para maging masaya. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa’kin sa mga susunod na araw.

"Salamat po"

Niyakap niya ako. Ang gaan sa pakiramdam.. Para narin akong niyakap ng totoo kong ina..

"Let's go? Naghihintay na silang lahat sa'yo sa simbahan.."

Inalalayan nila ako papuntang bridal car. Si mommy din katabi ko sa kotse..

Since wala si Daddy, ang Dad nalang ni Kurt ang maghahatid sakin sa altar..

Ilang sandali lang nakarating nadin kami sa simbahan..Ngayon ko lang na feel ang kaba..

Kasi ang daming tao.. Eh for sure hindi ko naman sila halos kilala..Si jane lang, Gab at Paolo ang kilala ko. Wala na kasi akong relatives..

Si Jane pala ang maid of honor at si Gab naman ang Best Man..

Hindi parin nila ako pinapalabas ng kotse hanggang ngayon.. Pero okay lang naman kasi ayokong ikasal..

Ang dami na namang mga reporters dito..

Nakakainis talaga..Hindi lang kasi ako sanay..

May nagbukas ng pinto ng kotse..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon