Ang pagpapakasal ay hindi isang bagay na pag gusto mong pasukan, pwede na at pag gusto mong kumawala na sa pagkakatali sa'yo, magagawa mo agad..
Inaamin ko nong una iyan ang iniisip ko.. Akala ko kapag kasal ka sa isang tao na hindi mo mahal, pwede ka namang tumalikod at iwanan siya ng ganun ganun na lang..
Pero syempre ngayon hindi na ^_^
Tinulungan ako nina Jane sa damit ko..Hindi ko kasi kayang isuot na ako lang mag-isa..Mahirap..
Ito iyong pinili ni Kurt nong pumunta kami ng shop..
I'm proud to say na kaming dalawa talaga umasikaso ng lahat lahat, pati sa mga invitations, sa give aways at sa venue..Blue Resort ang napili naming venue para sa kasal namin..Beach wedding kasi ang gusto ko :D
"Okay na.." sabi ni Jane
"Ang ganda mo" pagpatuloy niya habang nakaharap kami sa salamin
Hindi naman ito ang unang beses na ikinasal ako pero iba iyong pakiramdam ko ngayon kesa nong unang kasal namin ni Kurt..Kinakabahan ako pero excited din at syempre masaya..Halo halong emosyon..
"Hindi ko inasahan na sa ganito pala kami hahantong ni Kurt.."
Ganito pala talaga pag ikakasal..nagiging emotional ka. Ang dami na naming pinagdaanan ni Kurt..Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko..
"Huwag ka ngang umiyak..Nasisira iyang make-up mo.." sabi ni Jane at pinunasan ang mga luha ko..
"Mga bakley magready na kayo at magsisimula na ang kasal!" sigaw nong baklang pusit kung naalala niyo man siya..hahaha
"Ready ka na?" tanong ni Jane
Tumango lang ako
Dahil sa halo-halong emoyson ko namalayan ko na lang na naglalakad na pala ako papunta kay Kurt..
♫ All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need
Is in your eyes
Shining at me ♫
BINABASA MO ANG
300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]
RomanceYumi was forced to marry Kurt dahil tinulungan siya nitong bayaran ang hospital bills ng Daddy niya. Will they learn to fall in love habang nagsasama sila sa isang bubong?