Chapter 16: My Contract Husband

317K 3.9K 225
                                    

Kakauwi lang namin ni Kurt..

Sa wakas natapos na din ang lahat..

Ang lahat ng paghihirap ko kanina..

at ang pinaka highlight na nangyari..

Ang pagkadapa ko..

Wow! Yumi the best ka talaga!

Dito na pala ako titira sa bahay ni Kurt..Eh mag asawa na daw kami eh..

Tsskk,..Tssk,..

Pero hindi ko pa naman nakukuha lahat ng gamit ko sa bahay..

"Yumi.."

"Yumi.."

"Hoy Yumi.."

Kanina pa ako kinukulit ni Kurt pero hindi ko talaga siya pinapansin. 

"Bakit ba? Ingay mo..Kita mo namang nanonood ng TV ang tao eh.."

Mataray na sagot ko sa kanya.

"Ay..Tao ka pala?"

Panunukso na naman niya.

"Kung hindi ako tao..Lalong hindi ka rin tao..Unggoy ka..Unggoy"

" hahaha..Mali Yumi..You're wrong..Hindi tayo tao..Bagay tayo.."

Nilingon ko siya..Tapos tinitigan..Nakangiti lang siya. May lakas pa talaga siya ng loob na magbigay ng pick-up line?

"Tsk..Corny mo..Kadiri.."

" hehehe.. Biro lang naman.. Yumi galit ka ba?"

Tumabi siya sa kinauupuan ko..

"Bakit naman ako magagalit? May ginawa ka ba?"

Inilapit niya mukha niya sakin..

Pero kunwari parin ako na hindi ko alam.. 

Naka focus parin ako sa TV kahit di ko na maintindihan ang pinapanood ko..

"Eh kasi..Sinabi ko kay Mommy na huwag na muna tayong maghoneymoon.. Hindi ko naman alam na magagalit ka pala..Alam mo Yumi, madali lang naman akong kausap eh.."

Mas inilapit pa niya ang mukha niya pero tumayo na ako..

"Alam mo? Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha mo.."

Tas sinipa ko siya.. 

"Aray..Ang lakas naman sumipa..Parang kabayo lang..Vice ikaw ba yan?" 

Pero hindi ko na siya pinansin..Naiinis na talaga ako..

 Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig..

"Yumi naman hindi ka na mabiro..Pirmahan mo na 'to.."

Inabot niya ang dalawang papel.. 

"Ano 'to?"

"Iyong contract paper ..Hindi mo pa napipiramahan..:"

Ay oo nga pala noh?

Bumalik kami sa sala ata pinirmahan ko ang dalawang copies ng contract..

Nakapirma na siya kaya ibinigay ko ang isang copy sa kanya pagkatapos kong pirmahan ito..

Bahala na siya kung san niya itatago..

The same parin naman ang laman ng contract..walang pagbabago..

 "Yumi pagkatapos ng 300 days I promise magagawa mo na akung ano man ang gusto mong gawin.."

Tumango lang ako tas tumalikod na.. Matutulog na ako..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon