Chapter 20: General Cleaning

310K 3.6K 131
                                    

Pagising ko wala na si Kurt si sahig..

Ang aga niya naman gumising..

infairness naman kahit hindi ako natulog sa kama ko ang sarap parin ng tulog ko kagabi..

Bumaba na ako para makapag almusal..Hindi na ako pumasok sa kwarto ko para magsuklay man lang..haha..Eh sa tamad ako..

Pagbaba ko dumeretso na ako sa kusina namin

Si Kurt nauna nang magkape..

Mabati nga..

"Goodmorning"

Nagsmile pa talaga ako sa kanya

Pero siya ganito lang =.=

Deadma!!

Nagtimpla nadin ako ng kape ko at umupo narin..

"Ang aga mo naman yatang nagising?"

Tanong ko sa kanya para naman may mapag-usapan na kami.

Pero hindi parin siya tumitingin sakin..

"Paano ako gigising ng maaga kung hindi man lang ako nakatulog kagabi?"

Sabi niya habang ininom iyong kape niya..

"Sorry naman..natakot lang..Kurt may gagawin kaba ngayon?"

"Meron..matutulog ako buong araw..Kaya huwag kang umalis..Maglinis ka ng bahay.."

"Ehh? pero may kailangan pa akong bilhin mamaya para sa projects ko."

"Eh di ipagpabukas mo na lang..Huwag mong sabihing ako na naman ang maglilinis ng bahay?"

Sabi niya sabay tayo..Iniligay na niya sa lababo iyong  tasa niya..

"Maghugas ka din ng plato..Matutulog na ako.."

T__T

Iyan talaga napala ko?

Maglilinis na nga lang ako..

Total eh ako naman talaga ang may kasalanan. Dahil sakin kaya hindi nakatulog si Kurt..

Pero diba siya naman may sabi na horror movie na lang iyong panoorin namin kagabi? Eh sinuggest ko naman na love story na lang..Ayaw niya ehh..Kaya iyan napala niya..hahaha

Binilisan ko na ang pag-inom ko ng kape para makapag simula na ako..Para din matapos na ako ng maaga..

Pagkatapos kong uminom ng kape ay hinugasan ko na ang mga dapat hugasan..

Nilinis ko na rin ang iba pang kalat sa kusina..

Pagkatapos eh kumuha ako ng basahan para punasan ang mga gamit na dapat punasan..

Dahil hindi ko maabot iyong nasa mataas na part ng window eh kailangan ko pa talaga tumalon..

Nagmumukha na tuloy akong kuneho nito..

Pagkatapos ko sa window, iyong hagdan naman pinunasan ko.

Iniisa ko talaga ang steps ng hagdan. Ang sakit din sa likod ahh

Tapos eh niligpit ko na iyong mga kalat sa sala, inayos ang mga gamit, nagwalis at nag mop..

Banyo na lang kailangan kong linisin..

Bibilisan ko na to..The flash lang ang peg ko ngayon. ^^

"Yumi!"

Ay si Kurt gising na pala..

"Andito ako sa banyo sa baba.."

Narinig ko mga footsteps niya papunta sa banyo..

"Nagugutom na ako..Nakaluto ka na ba?"

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon