Chapter 54: What's this?

246K 2.3K 91
                                    

YUMI's POV

Hanggang ngayon hindi ko parin nasasabi kay Kurt na buntis ako..

Bakit? Kasi ano..Bukas na iyong 300th day namin simula nong unang kasal namin..

Kung naaalala niyo pa iyong contract namin..Diba nakasaad don na after 300 days eh maghihiwalay na kami? Pero dahil minahal niya ako..este..dahil minahal namin ang isa't-isa..Wala na iyong kontrata..Sinunog na ng mga utak namin iyon..Sakit lang kasi sa ulo at sa puso..Chos lang!! hahaha... Pero infairness naman may silbi din iyong kontrata :)) Dahil don kaya kami kinasal ni Kurt..Sino ba naman ang mag-aakala na magpapakasal ulit kami ni Kurt? ^__^

So iyong plan ko is, bukas sa 300th day namin, magpeprepare ako ng dinner and sasabihin ko sa kanya iyong surprise na buntis ako!!

wooohooo..

Baka umiyak iyon sa sobrang tuwa..hahaha

Magpapatulong ako kay Jane para i-prepare iyong mga dapat i-prepare para tomorrow..

Dahil sa sobrang excited ni Jane at ng future Mommy ni baby..Napagdesisyunan namin pareho na pumunta ng mall..Yes!! Mall ulit..

Kinuha ko iyong phone ko at tinawagan si Leeyan..

Calling Leeyan..

(Hello Yumi?)

“Leeyan pwede ka ba ngayon?”

(Sorry Yumi hindi ako pwede eh..May class pa ako..Bakit naman sana?)

“Ahh wala lang..Magpapasama lang sana kami ni Jane..Pero ok lang”

(Sorry talaga Yumi ha..babawi na lang ako next time..)

“Okay Leeyan..Ingat ka”

Inend ko na iyong call..

“Hindi daw pwede si Leeyan ehh..” sabi ko kay Jane

“Ayy okay lang yun..Hindi naman pwede nating pilitin….”

Pumunta kami sa infant section ng mall..

Sabi ko naman kasi sa inyo excited kami masyado..haahha

 “Yumi, bilhin kaya natin ‘to?”

Tiningnan ko iyong hawak ni Jane na dress ng baby..Kulay pink pa..hahaha..

“Ehh pano kung lalaki si baby? Eh gawin nating bakla? Ganun?”

“Ehh iyong asawa mo nga ginawa mong babae..Ba’t di pwedeng si baby gawing babae din?hahaha..” tapos tumawa si Jane

Tumawa nadin ako..Kalurkeii talaga itong si Jane..

“Pag ginawa natin iyon lagot tayo sa tatay ni baby..”

“Ehh? Takot ka lang talaga sa asawa mo ehh..” sabi ni Jane

“Hindi noh..Takot lang akong mawala siya..” sabi ko

“Naku Yumi..Tigilan mo nga ako diyan..Ang corny mo na..Para ka nang si Kurt..”

Chos talaga itong si Jane kung makapag salita oh..Akala mo hindi corny..Eh pag magkasama nalang sila ni Paolo halos hindi na mapaghihiwalay…tss

Naaliw talaga ako sa kakatingin sa mga gamit ng baby..Gusto ko na sana bumili ngayon kaso hindi ko pa alam kung babae or lalaki..Masyado pa maaga para malaman..

Pagkatapos naming maglibot libot ni Jane sa infant section eh siya naman iyong sinamahan ko mag shopping..Bibili kasi siya ng damit..

Madami kasing arte itong si Jane sa katawan..Fashionista kasi..hahaha

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon