Chapter 60: Hear the Truth

263K 2.8K 265
                                    

YUMI's POV

Andito na sina Tita Margaret at ang pamilya niya..Andito nadin sina Jane, Leeyan at Gab..

Si Tita Margaret na mismo ang nagdonate ng dugo para kay Kurt..

Hindi din niya maintindihan kung bakit siya pa ang kailangang magdonate pero hindi na siya umangal..

"Yumi..Pwede ba kitang makausap?" bigla akong nilapitan ng Mama ni Kurt at sinabi iyong sakin..

Tumango lang ako..

Dahil sa sobrang naguguluhan nako..Kailangan ko na sigurong malaman ang buong kwento..Iyong side naman niya..Ayoko ng maging unfair..

At syempre hindi ko rin ipagkakait na sa loob loob ko, umaasa ako na hindi kami magkapatid ni Kurt..Gusto ko paring umasa..Dahil mahal ko parin siya..

Sinundan ko lang siya palabas hanggang sa nakarating kami sa isang coffee shop..

Naghanap kami ng pwedeng mapag-upuan..

"Yumi..Tama lahat ng nabasa mo sa sulat..Pero isa lang iyong ikaklaro ko sa'yo..Hindi kayo magkapatid ni Kurt.."

Hin....Hindi kami magkapatid ni Kurt?

Kung nagkapaa lang iyong puso ko..Baka umabot na ito ng langit kakatalon sa sobrang tuwa at saya..

Pero paanong nangyaring hindi kami magkapatid?

"Ano pong ibig ninyong sabihing hindi kami magkapatid ni Kurt?"

"Inampon lang namin si Kurt dahil hindi kami makabuo ng Daddy niya.. Plano sana naming umampon ng bata sa bahay ampunan pero ayaw pumayag ng Papa dahil ayaw niyang magpalaki ng bata na hindi niya kakilala..Eksato naman na buntis si Margaret non..Nong nanganak na siya, binayaran ni Papa iyong ospital para kunin ang bata at palabasin na patay na iyong anak nila..Saka niya binigay iyong bata sa amin..Si Kurt ang bata na iyon Yumi..Kaming dalawa lang ng asawa ko at si Papa ang nakaka-alam ng lahat.."

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon