Chapter 19: Darkest Night

329K 3.8K 261
                                    

"Napagod ka ba?"

Tanong ni Kurt sakin habang dala dala niya ang mga pinamili namin kanina..

"Oo naman noh.. Sobra kaya..at sobra din naman akong nag enjoy..kaya lang"

Hindi ako nagdadrama ha..Talaga lang talagang ano..

"Kaya lang ano?"

Tanong niya.

"Huwag na baka magalit ka pa.."

Hindi ko nalang itutuloy iyong sasabihin ko baka mag-away pa ulit kami.

"Eh ano nga?"

Talagang pinilit niya ako kaya sinabi ko narin sa kanya.

"Kaya lang kasi ano..hindi ako nakapanood ng unofficially yours.."

"Pwede mo namang ipagpabukas iyan.."

Sagot niya habang inaayos niya iyong mga pinamili namin..Ako naman nakaupo lang at tinitignan siya habang nag-aayos..

Ambaet talaga ni Kurt ngayon, hindi ko alam kung anong nakain niya. Sana nga lang eh ganyan na siya palagi.

"Pwede nga rin..Pero gusto kong manood ng movie ehh..Gusto ko na talaga ngayon.."

Sinubukan ko lang iyong pasensya ni Kurt. Tignan lang natin kung hanggang san iyang pasensya mo.

"Eh di manood tayo ngayon..Samahan pa kita.."

Hindi nga? Ano kaya nakain niya at nagkakagayan siya? 

"Talaga? Cge tayo na.."

Sabi ko sa kanya saka ako tumayo.

"I think you misunderstood me..Hindi tayo pupuntang sinehan para lang manood ng movie..For sure naman close na..Dito na lang tayo sa bahay manood.."

Hmm..akala ko pa naman.. pero atleast mabait parin si Kurt ngayon..Nakakapanibago lang..

"Cge na nga..Pwede narin iyon..Mamimili muna ako ng papanoorin natin.."

Naghanap ako ng pwedeng panoorin.

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?"

Tanong niya sa’kin.

"Kaya mo na yan..ahahha"

Sigaw ko sa kanya. 

"May napili ka na?"

Tinanong ako ni Kurt..Tapos na pala siya sa ginagawa niya..

"Wala pa ehh..Tulungan mo ako.."

"Ang hina mo naman kasi talaga.."

"Ewan ko sayo.."

Tinulungan narin niya akong pumili ng papanoorin namin..

"Eto na lang...Maganda to"

Sabi ko kay Kurt

"Ayoko niyan..Ano ako bakla? Hindi ako nanood ng love story."

Ehh..Ba't pa niya ako pinapili kung ayaw rin naman niya ng mga gusto ko? 

>_<

"Eto na lang..Maganda daw to..Killer Elite.."

Kinuha niya iyong CD

"Ayoko niyan Kurt..Boring iyan.."

"Anong boring? Hindi ahh Ganda nito.."

Sabi niya. Ilalagay na niya sana iyong CD sa player kaso nag drama ako. Ayoko ng mga ganun klaseng movie.

"Eh di manood ka mag-isa mo..Matutulog na lang ako.."

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon