Kabanata 2| Hindi na
Buti na lang talaga at hindi si Bea ang roommate ko sa dorm. Baka maloka na ako ng wala sa oras pag nagkataon. Pero mas nakakaloka si Coach Tai. Hindi uso sa kanya ang pahinga. Wala sa vocabulary niya. Hanerp
Nasa BEG na kami dahil nga may training kami. Eto yung part na minsan ayoko pero kailangan naming pagdaanan. Tapos etong si Bea kanina pa epal. Nakikisali samin ni Therese tapos ang dahilan niya batchies daw. Aba, kailan pa?!
"Ano ba, Beatriz?!" Naiinis na si Trey base sa itsura niya.
"Naglalambing lang naman ako eh." Sagot pa ng isa.
"Che! Lambing lambing my ass! Dun ka nga. Shupeeh!" Natawa naman ako sa sinabi ni Trey.
Lumipat naman si Bea sa likod ko. Tinutulak tulak naman niya ko ngayon. Deadma lang Mads. Deadma ka lang. Nilakasan niya yung pagkakatulak sakin kaya muntik nako masubsob.
"Ano ba, Beatriz!!!!!!" Sigaw ko. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Hi, Mads!" Nakangiti niyang sabi. "Ay, shet! Pinansin mo din ako, sa wakas!"
Napairap na lang ako sa kanya. Ang sarap niyang kaltukan minsan dahil sa kulit niya.
"Wow, grabe ha." Wika ko.
"Di mo kasi ako pinapansin." Wika nanaman niya.
"Paano kita papansin eh tinutulak mo ako?" Asik ko sa kanya.
"Paano kita hindi itutulak di mo nga ko pinapansin?" Tanong naman niya.
Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa sinabi niya. Hay this life po with Beatriz. Hindi ko na lang ulit siya pinansin kaysa sa magtalo ulit kami.
"Porket may JiaDdie na, hindi na ako pinapansin." Bulong niya pero rinig ko naman.
"Wala eh. Ganyan talaga." Dagdag pa niya.
Pambihira!!! Ano bang problema niya sakin? Hinayaan ko na lang siya ulit kahit pinariringgan niya ko. Si Trey naman nakangiting aso samin. Inirapan ko siya dahil alam kong pangasar lang niya yun.
"Blocker ko!" Nagulat ako dahil sa sigaw ni Jia.
"Oh hi setter ko!"
"Ay naks! Nag-angkinan na!" Pangasar nila Ate Mae samin.
Natawa lang kami ni Jia dahil doon. Tinabihan niya ko tapos nagkwentuhan lang kami.
"Nagseselos talaga siya." Bulong ni Jia sakin.
"Ha? Sino? Kanino?" Taka kong tanong.
"Beadel mo." Wika niya.
"Gusto mo ilaglag kita sa crush mo, Ju?" Pananakot ko sa kanya.
"Excuse me, Madeleine?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Oh, daan na." Wika ko at tumayo pa. Sinipa naman niya ako.
"Ouch!" Sabi ko. "Setter na nga ng volleyball, football player pa. Pambihira." Sinamaan naman niya ako ng tingin.
Tinawag na kami ni Ate Ly para magstretching. By partner yun at si Jia ang partner ko ngayon dapat nga ay si Therese kaso ayaw ako bitawan ni Jia.
"Nagsasabi ako ng totoo beb, ang sama ng tingin niya nung sinabi kong blocker ko." Natatawa niyang sabi.
"Manahimik ka nga." Wika ko.
"Uyyy. Kinikilig siya." Pangaasar pa niya.
"Isa. Ibubuko talaga kita. Kala mo." Naiinis kong sabi. Bigla niyang diniinan paghawak sa may legs ko. "OUCH!"
Napalingon naman mga kateammates namin kaya nagpeace sign ako. Kaloka. Agaw pansin tuloy kami.
"Ikaw kasi." Paninisi sakin ni Jia.
"Wow ha? Ako pa talaga may kasalanan?" Sarkastiko kong tanong.
Nagumpisa na yung training namin. Puro serve, blocking at running attack lang ginawa namin ngayon. Ang sabi ni Coach Parley isa ang running attack sa strength ng team ngayon lalo na ako kaya kailangan ipractice ng maayos, double time din para sa amin ni Jia.
"12! 17! Talk!" Wika ni Coach Tai.
May hand sign kami ni Jia kapag gusto kong magrunning attack o magpplay ako. Kaya tuwang tuwa si Coach Tai dahil may connection kaming dalawa ni Jia sa loob ng court. Minsan lang matuwa si Coach Tai sa practice namin kaya sinulit na namin yun.
After ng training ay naligo na kami kaagad kasi nanlalagkit na kami sa pawis. Paglabas ko ng shower ay una kong nakita si Bea na nakangiti sakin. Tiningnan ko yung mukha ko sa salamin baka kasi may dumi. Wala kasi akong tiwala sa mga ngiti ni Bea minsan. Mukha siyang walang gagawing matino.
"Bat ka nakangiti?" Tanong ko sa kanya.
"Alangan namang umiyak ako dito diba?" Balik niyang tanong.
"Pwede rin naman ha." Sabi ko.
"Iiyak ako kapag sinagot mo na ako." Sabi niya sabay ngiti ulit ng malapad.
"Corny mo brad." Wika ko pero siya ang lapad pa rin ngiti. Hayuf na yan.
Pambihira. Wala naman akong dumi sa mukha ha pero ang lapad pa din ng ngiti niya. Ano problema non? Bakit ang saya niya kahit pagod sa training?
"Leche ka, Beadel." Inis kong sabi. Tinalikuran ko siya para lumabas na pero sabay pa din kaming nakalabas. Hanep mga bes.
Paglabas namin ng CR lahat sila nakatingin sakin. Ano bang problema nila sakin?
"Kailan ka pa naging De Leon, Maddie?" Tanong ni Ate Ly sakin.
"Ha? Ano, ate Ly?" Taka kong tanong tapos nginuso niya yung shirtsey na suot ko.
Doon ko lang napansin na 14 ang nakalagay... 14 at hindi 17. Ang 14 ay kay Bea... Shirtsey ni Bea ang suot ko?!?!!!!!! Paano napalitan mga bes?!?!!!!!
Saktong pagangat ko ng tingin ay si Bea ang nakita ko. Confirmed! Yung shirtsey ko ang suot niya!!!! Kaya pala siya tumabi sa may bag ko kaninang nagsstretching at nakangiti siya ng malapad sakin kanina sa CR!!! Hayuf! Taba ng utak, grabe!
"ISABEL BEATRIZ PARAS DE LEON!!!!!" Sigaw ko pero tumakbo kaagad siya.
Hindi ba alam ni Bea na minsan ang ginagawa niya ay hindi na nakakainis? Kundi nakakakilig na. Hays.
Tumakbo na rin ako para habulin siya pero pinaglihi yata si Bea kay flash dahil ang bilis tumakbo ng kumag.
"Pag ikaw naabutan ko, sasamain ka talaga sakin Beatriz!!!" Sigaw ko.
"If only if you'll catch me, babe!" Sigaw niya pabalik.
Mukha tuloy kaming tangang naghahabulan sa loob ng gym. Ang bilis talaga niya tumakbo. Buti di siya sa track and field sumali. -_____-
"Sweet niyo ha?" Kantyaw ni Jia sakin.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ewan ko sayo Ju."
"Sus. Kinikilig ka lang. Aminin mo na beb."
"May kinikilig bang hinihingal?" Iritado kong tanong.
"Oo. Ikaw." Nakangiti niyang sabi. Napairap naman ako sa kanya.
"Grabe ha, thanks sa support friend." Sarkastiko kong sabi.
"Welcome friend." Natatawa niyang sabi. Napairap naman ako ulit.
Ewan ko ba kung kakampi ko ba si Jia o feeling ko madalas niloloko na lang niya ko eh.

BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfiction2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.