Kabanata 30| Hanggang saan?
Nung makita ni Trey na kasama ko si Drei mas pinili niyang iwasan ako, hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Mas lalo lang lumayo yung loob ko sakanya. Iniiwasan kasi niya ako dahil nasasaktan ko si Bea. Nung una naiintindihan ko pa kung bakit siya galit sakin pero minsan nakakapagod din palang umintindi lalo na kapag ikaw mismo hindi naiintindihan.
"Pang sampung buntong hininga mo na yan, bakla." Sita ni Jho sakin.
"Pakealam mo ba?" Iritado kong tanong.
"Sungit. Meron ka ngayon? Lika bili tayong napkin mo." Pangaasar niya sakin.
"Shut up, Maraguinot."
Bumaliktad nga ngayon. Kung dati si Trey ang kasama ko, ngayon si Jho na lagi kong kasama. Ni hindi ko na din nakikitang kinakausap ni Jho sila Trey dahil alam niya yung sitwasyon ko.
"Nagkakausap pa ba kayo ni Bea?" Tanong niya ulit.
"Jho, niloloko mo ba ako?"
"What?! Nagtatanong kaya ako!" Depensa niya.
"Sa tingin mo ba nagkakausap kami kung kasama mo ako lagi?"
"Sungit mo talaga ngayon ha? Oo o hindi lang naman."
Madalas talaga kaming magtalo. Kaya nagiging instant referee namin si Sumang minsan. Pero minsan naman ako inaaway nila. Mga abnormal din kasi sila.
"Punta tayong mall?" Aya ko.
"Lakas makaaya ha? May kotse ka?" Bara niya sakin.
"Wala. Pero pwede tayo magcommute. Kaya let's go na." Sabi ko sabay hila sakanya.
Wala naman siyang nagawa kundi pagbigyan ako. Hindi ko alam kung broken hearted ba ako o tinotopak nanaman ako at si Jho nanaman ang napagdiskitahan ko.
Nang nakarating kami sa mall may dalawang pamilyar na tao kaming nakita. Kaya nag-ala ninja kami sa kakasunod. Nagmukha na nga kaming tanga kakasunod dun sa dalawang tao.
"Wait. Hinihingal ako." Wika ko.
"Hindi naman ako nainform na nagta-transform pala ang mga penguin. Bilis maglakad." Sabi naman ni Jho.
"Hinga muna tayo please." Dugtong ko.
Tumigil din kasi sila sa isang shop kaya nakahinga kami. Nung nakalabas sila tinuloy na namin yung pagsunod namin.
"Nakakapagod na." Reklamo ni Jho.
"Wag na natin sundan. Gugutom na ako." Sabi ko.
Para kaming tanga na biglang tumalikod. Dahil na rin sa pagod kusa kaming sumuko sa pagsunod. Nakakagutom din pala mag-ala ninja. Sa shakey's namin naisipang kumain. Nakita din namin si Josh na kumakain magisa.
"Huy! Ano ginagawa niyo dito?" Tanong niya samin.
"Magsuswimming, Josh. Duh, malamang kakain. Shunga ka?" Sagot naman ni Jho.
"Sorry naman. Akala ko kasi maglilinis kayo eh."
"Aba't bastos ka ha." Sagot nanaman ni Jho.
Umupo na kami kung nasaan si Josh. "Pagpasensyahan mo na. Tinotopak eh."
"May topak naman yan everyday." Natatawang sabi ni Josh.
Nagsimula nanaman silang magbangayan. Pambihira! Isang pikon at isang alaskador nagsama. Di kaya sumabog ang shakey's nito?
"Jho nakakausap mo pa ba si Trey?" Tanong bigla ni Josh.
Napatingin naman si Jho sakin. "Hindi na eh. Bakit?"
BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfiction2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.