Kabanata 35| Akin
Maagang nambulabog si Jia sa condo kung saan ako nagsstay dahil ngayon yung dating ni Jamie. Sasama daw siyang magsusundo sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis dahil doon. Dahil una, inaantok pa ako. Pangalawa, gutom ako pero wala siyang dalang pagkain.
"Ang aga mo naman superstar. Kaloka." Asar ko sa kanya.
"Not for you." Wala sa sarili niyang sabi.
"So, para kay Jamie?" Natatawa kong tanong.
"Yes, I mean no!"
Humagalpak na ako sa tawa. Huli ka balbon! Kala naman niya hindi ko alam na gustong gusto niya makita si Jamie.
"Damn, playgirl." Sabi ko habang umiiling.
Sinamaan niya ako ng tingin ngunit tinawanan ko lang siya lalo. Sabay na kaming lumabas pababa ng building. I don't know if it's a good idea na makitang may kasama siyang babae.
"Nga pala, have you seen Diana Carlos here?"
Binatukan ko siya. "Gaga ka! Hindi mo sinabi sakin na dito pala nakatira si Caloy!
"Hindi ka nagtanong!" Depensa naman niya.
"And I found out na whole PSL volleyball team ang invited sa birthday party ni Deanna. Why?"
"Because why not?"
Napa-face palm naman ako dahil sa sagot niya. Talagang wala siyang kwentang kausap lalo na pag umaga. Nakakatulog din kasi yung brain cells niya kaya ganon.
Tumango lang ako at nagumpisa na siyang magdrive. Buong byahe papuntang airport ay kung anu-ano lang pinaguusapan ng biglang naging tungkol sa mga dati kong teammates ang kinukwento niya.
"Are you sure you won't meet her bago ka man lang umalis?" Tanong sakin ni Jia.
"I'll meet her naman at Deanna's party, remember?"
"No, what I mean yung kahit simpleng meet-up lang?"
"I can't. Yun lang na-approved sa days ng vacay ko."
"May eight days ka pa naman ha?"
"Jia, may pupuntahan akong business meeting."
"Ayon, kaya naman pala umuwi. Dahil sa business din."
"Grabe naman yun. Kasama mo naman ako ha?"
"Ng dalawang araw? Tss."
Natawa naman ako. "Makakasama mo pa din naman ako bago ako umalis."
Napailing naman siya. Hindi ko alam kung bakit niya pinipilit na makipagkita ako sa kanila.
"Wala ka man lang bang itatanong tungkol sa kaniya?"
Umiling ako. "Wala na akong karapatan pa na malaman yun."
Ngumisi si Jia. "Wushu. Ang drama mo naman, payat."
"Whatever."
"Si Me and Mich, sila na." Nakangiting sabi niya.
Napatingin ako sakanya. "Matagal ko ng alam yan. Duh."
"I know. I'm just saying it." Nakangiti pa din siya. "Tumigil sa panliligaw si Jho kay Trey."
Hindi ako kumibo. Ayokong magtanong. Sapat na yung mga sinasabi niya lang.
"We don't know why.." Ani Jia. "Si Bea naman, she's. Uhm.."
"Taken." Nakangiti kong dugtong.
Napatingin naman sakin si Jia. "How did you know? Akala ko ba you cut all the communications?"

BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
फैनफिक्शन2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.