Kabanata 18

1.5K 41 2
                                    

Kabanata 18| Harap-harapan

Kinabukasan hinatid ako nila Papa, Mama at Sachi. Ayaw sumama nila Axel dahil baka pigilan daw niya ako na umalis. Sira ulo eh. Kala mo sa ibang bansa ang punta ko.

"Magiingat ka sa Manila ha?" Sabi ni Papa.

"Opo, Pa." Sagot ko.

Niyakap ako ni Papa. Ayoko maiyak kasi aasarin ako nila Mama. Daddy's girl kasi ako hindi lang talaga halata.

"Ate.." Tawag sakin ni Sachi sabay hila sa damit ko.

Lumuhod ako para makapantay ko siya. "Oh bakit ka umiiyak?"

"Pwede bang wag ka nalang umalis?" Umiiyak niyang tanong.

"Akala ko ba ayaw mo sakin?"

"Ha? Sino nagsabi? Susuntukin ko!" Umiiyak pa rin siya. Natawa naman kami nila Papa dahil sa sinabi ni Sachi.

"Tatawagan naman kita lagi, Sach. Kagaya nung dati." Sabi ko at niyakap ko na siya.

"Promise yan ha ate?" Niyakap din niya ako. Tumango lang ako sa kanya.

Pagkatapos ng mahabang pagpapaalam ay nagcheck in na ako sa airport. Nagvibrate yung phone ko kaya tiningnan ko baka si Sachi yung nagtext.

Axel Kulit Gwapo:
Sa airport na kayo? Sorry ha. Hindi na kami pumunta.

Axel Kulit Gwapo:
Lasing kayo no? Sus!

Axel Kulit Gwapo:
Hoy hindi no! Wag ka ngang judgemental! 😤

Natawa naman ako dahil sa reply niya. Napakadefensive eh.

Axel Kulit Gwapo:
Defensive mo itlog taba. 😂

Napailing na lang ako sa usapan namin ni Axel. Walang sense talaga minsan usapan namin pero napapatawa ako.

Napabalik ako sa realidad nang magvibrate ulit phone ko. Nalaglag yung panga ko dahil hindi ko inaasahan yung text na yun.

Beatriz De Leon:
Ngayon uwi mo from Davao right?

Beatriz De Leon:
What time is your flight? I'll fetch you.

Napakunot noo naman ako. Wow? May pakialam pa pala siya sakin?

Beatriz De Leon:
May susundo na sakin. Thank you na lang.

Nakailang vibrate ulit yung phone ko. Anak naman ng tikoy na malagkit. Jusko. Ano bang meron?

Dennise Lazaro 💕:
Ingat baby. See you later.

Napangiti naman ako sa text ni Mommy Den. Namimiss ko na rin siya.

Axel Kulit Gwapo:
Hindi nga kasi. Maaga ako gumising para itext ka kasi aalis ka. 😤😤

Napailing ako sa palusot ni Axel. Para namang di ko siya kilala.

Beatriz De Leon:
What? Who?

Beatriz De Leon:
Cancel it. Ako susundo sayo.

Hindi na ako nakareply dahil tinawag na yung flight ko. Sorry Bea pero ayaw muna kitang makasama today.

Mabilis lang naman yung flight ko. Paglabas ko sa departure area isang Dennise Lazaro ang sumalubong samin.

"Mommy. Sorry sa abala." Sabi ko.

"Won't you give me a hug first?" Tanong niya. Niyakap ko naman siya kaagad.

"Namiss kita, my."

"Ako rin. At hindi ka abala." Sabi niya.

Nilagay ko yung mga gamit ko sa compartment at sumakay na.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon