Kabanata 29

1.4K 42 1
                                    

Kabanata 29| Makasarili

Simula nung makita kong kasama ni Trey at Bea si Ej Laure maraming nagbago sa pagitan naming tatlo. Nagkaroon ng invisible wall. Nagpalitan din ng room mates, naging roomie ko si Jho at si Bea ang naging rommie ni Trey.

Naging busy naman ako dahil sa mga paper works ko kaya mas lalo kaming hindi nagkausap ni Bea. Madalas pag umuuwi ako tulog na siya o di kaya naman aalis siya ng tulog pa ako. Nag-iba din ang routine ko dahil hindi na ako nakakasama sa trainings namin.

"Maddie?" Tawag sakin ng group mate ko, si Drei.

"Huy, Drei. Bakit?"

"Naipasa ko na yung report natin. Sana naman tanggapin na nila no?"

"Tatanggapin na yun, tiwala lang." Nakangiti kong sabi.

"Nawawalan na ako ng oras sa mga papa ko, bakla!" Eksaherada niyang sabi.

Natawa naman ako. "Bawi ka na lang, Drei."

"Baks, kamusta pala kayo ni Bea?"

Bukod sa mga teammates ko, si Drei lang may alam ng tungkol samin ni Bea. Pareho kasi kami ni Drei ng kalagayan. Kaya naiintindihan niya ako, sa kanya din ako madalas nagsasabi ng problema.

"Hindi kami nagpapang-abot eh." Kibit balikat kong sabi.

"Ano ka ba! Ikaw dapat bumawi eh!" Sermon niya sakin.

"Sabi niya naiintindihan naman daw niya."

"Baks, babae ka din. Dapat alam mo totoong ibig sabihin nun. Nakakaloka ka."

"Babawi naman talaga ako eh." Depensa ko.

Napailing naman si Drei. "Sana lang hindi pa huli."

Napabuntong hininga na lang ako. Napagusapan naman namin ni Bea na magiging busy ako ngayon dahil nga pasahan na ng mga paper works, sabi niya naiintindihan naman niya. Napapitlag ako dahil nagvibrate yung phone ko.

10 unread messages

Jhoana Maraguinot:
Beh? Anunaa? Kain naman tayo sa labas. Treat ko.

Jia Morado:
Beb!! Busy mo na :( Kain naman tayo sa labas. Treat ni picasso :))

Gizelle Tan:
Baby fly! Anunaaa? Sama ka naman samin!

Therese Gaston:
Pansinin mo naman me twinny. Let's go out?

Beatriz De Leon:
Babe!! Alis tayo nina Trey. Please po?

"Oh? Sama ka na sa kanila. Ako na bahala dito." Biglang sabi ni Drei.

Napangiti ako. "Sure ka, Drei?"

Beatriz De Leon:
Okay, see you.

Tumango lang siya at ngumiti. Niligpit ko na yung mga gamit ko. Nang naglalakad na ako palabas ng Library, nakasalubong ko yung Dean namin.

"Maddie? Can I talk to you?" Ani Dean.

"Opo." Wika ko at sumunod na sa kanya papuntang office niya.

Hindi ko alam kung may nagawa ba ako o ano. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako gustong kausapin ni Dean.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Maddie." Biglang sabi ni Dean kaya napatingin ako sa kanya.

"Your grades are decreasing, Maddie. This is so unusual according to your professors. Your professors and I believe in you. We're just concerned, you might be pulled out to the team if ever you failed."

Natulala ako sa sinabi ni Dean. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko o isasagot ko. I got it bad? Damn, Maddie! Anong ginawa mo?

"Is being part of the team affecting you?"

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon