Kabanata 31| Worst
"Bea? Can we go out for today?" I asked her. Yep, I was the one who asked her.
It was my free time din naman so I decides to spend it with Bea instead. I remember my mom's advice na kailangan minsan ako naman ang gumawa ng move para sa kanya.
"Ah---" Hindi natuloy ni Bea kasi may biglang nagsalita sa likuran niya.
"Bae! Tara na!"
"Wait lang, Jie."
"Malelate na tayo, bae! Anunaaaa?" Sigaw ulit ni Ennajie.
"May lakad pala kayo.. sige."
Yun nalang nasabi ko at tinalikuran ko na siya. Kusa nalang tumulo yung luha ko. Sabi nila ang luha parang pawis. Kusang tumutulo kapag pagod ka na. Hindi ako sumama kay Jho kasi akala ko makakalabas kami ni Bea. Umasa ako. Ang tanga ko no?
Naisipan kong umalis sa dorm. Pupunta ako sa mga lugar na gusto naming puntahan sana ni Bea. Saktong paglabas ko nasa labas din si Jho. Luh?
"Alam kong hindi kayo natuloy. Good thing na nandito pa ako." Bungad niya sakin.
Napabuntong hininga ako. "Akala ko ba aalis ka?"
"Kasama ka."
"Ha? Bakit ako?" Tanong ko naman.
"Bonding?" Alanganing sagot ni Jho.
"Ah, eh, pwede ba tayong pumunta ng trampoline park?" Tanong ko sa kaniya.
"Trampoline park it is." Masiglang sabi ni Jho.
Nung nakarating kami sa trampoline park, tuwang tuwa siya. Sa pagkakaalam ko ako ang nagyaya per siya yung masayang masaya.
"Mads! Papanoorin mo lang ako?" Nakasimangot na tanong ni Jho. Ngumiti ako saka siya pinuntahan siya.
Nageenjoy naman ako kahit papaano. Pero naisip ko, kung kami kaya ni Bea? Ganito rin kaya? Masaya rin kaya kami?
Napasimangot ako bigla nung batuhin ako ng foam ni Jho. Gumanti naman ako.
"Hah! Wala ka sakin Maraguinot!" Sabi ko sabay tawa.
"Babawi ako!" Sabi ni Jho at binato na niya ako. Tawa lang kami ng tawa.
Nung napagod na kami nag-aya si Jho na kumain na. Ako daw magsabi kung saan kahit malayo ayos lang. Kaya sabi ko sa Miguel & Maria sa may Marikina.
Nung kumakain na kami biglang nagtanong si Jho about school stuffs at iba pa.
"Paano mo pala nalaman ang lugar na 'to?"
"Nakita ko sa isang palabas." Sabi ko. Ang totoo si Bea ang nagsabi sakin nito. Nakakatawa no? Siya dapat kasama ko kaso wala siya.
At dahil nga go si Jho ngayon napunta kami si EK. Pambihira diba? Isa din 'to sa gusto kong puntahan kasama si Bea. Kaso, nawalan ako ng oras sa kanya at wala siyang oras sakin. Laging nasa Jie niya. Ay, wag na madrama! Kailangan ko i-enjoy 'to, sayang libre ni Jho! Oo si Jho talaga ang nanlibre. Hahaha
"Beh ang taas mo kung tumatalon tapos sasabihin mo sakin takot ka sa anchor's away?! Niloloko mo ba ako?" Tanong ko kay Jho.
Kanina pa kami nagtatalo kahit na nakapila na kami. Ayaw kasi sumakay ni Jho sa ride na 'to. Hahaha. Pero wala na rin siya magagawa kasi kami na ang next na sasakay.
"WAAAAAAAH!!!!!"
"Kalma, uy. Di pa naandar." Bulong ko kay Jho. Pinagtitinginan na kasi kami dahil sa sigaw niya.
"WAAAAH!!! MADDIEEEEEEE!!!!"
"PFT. HAHAHAHAHA."
"OH MY GOOOOD!!!!!!"

BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfiction2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.