Kabanata 28

1.4K 45 0
                                    

Kabanata 28| Mahal kita

Pagdating ko sa dorm nadatnan ko ang super seniors kasama ang mga rookies sa sala na busy manood sa sala. Kaya dumiretso na ako sa kwarto namin.

Dahil ako lang magisa, naalala ko bigla yung nangyari sa mall kanina. Hindi ko maiwasang hindi maluha. I felt betrayed. Dalawang tao pinakamalapit sa puso ko yung gumawa ng mali sakin.

Sinubukan kong libangin yung sarili ko. Binuksan ko yung TV pero parang gusto ko ring basagin. Fantastic four yung palabas, sakto doon sa scene ni Ben at Reed. "I am not your friend. You turned me into something else."

Dammit! Bakit naman ganito? Pilit kong kinakalma yung sarili ko pero hindi ko magawa! Nakakainis naman! Pinatay ko na yung TV at nagbukas na lang ng twitter ko. Again, nagsisisi ako na nagbukas pa ako ng twitter. Bungad sakin yung convo ni Bea, Ej at iilang kaibigan nila.

@ennajielaure: Thank you, guys! 😘 @_beadel @_thereseg
@_thereseg: Welcome, jiejie! 💞 @ennajielaure @_beadel
@carmelalooo: Sweet naman 😍😍 @ennajielaure @_beadel
@jesseydeleon: @carmelalooo Tumpak friend! Hahaha! @ennajielaure @_beadel

Yung bagong batch ng luha ko bumagsak nanaman.. bakit ba kasi ako nasasaktan?! Oo na, mahal ko. Pero punyemas, pwedeng taympers muna kasi pagod na ako umiyak?! Kinalma ko ulit yung sarili ko. Para na akong tanga dito, akala ko malilibang ako. Hindi pala. I ended up tweeting something.

@maddie17madayag: Of all people, hindi ko inaasahan gagawin mo yun. Why? Bakit po? 😥

Oh my god, Maddie!!! Why the hell did you tweet that?! Sigurado akong maraming magtatanong nito!!! Huminga ako ng malalim at tiningnan yung mga reply.

@denniselazaro: What's this? You told me you're okay. @maddie17madayag
@juliacmorado: Please stay awake. Talk when I get back. @maddie17madayag
@jhoanalouise: Ay ano this beh? Bat may ganito? @maddie17madayag
@_beadel: You okay? Reply on me. @maddie17madayag
@_thereseg: We'll talk when I get home twinny. @maddie17madayag

No. I can't tell you guys, I'm so sorry. So, I ended up tweeting again, which is not soooo me.

@maddie17madayag: Kalma guys, I was watching fantastic four. Hahaha. Got carried away eh. Sorry. ✌

I know, Jia won't buy that excuse. Masyado niya akong kilala pero hindi ko rin aaminin sa kaniya yung totoo. Nung kalmado na ako sinikap kong makatulog. Kahit sa pagtulog man lang maging okay ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog pero alam ko kung bakit ako nagising.. dahil nagugutom na ako. Aba, hindi pa ako nagdidinner! Kaloka. Hindi ko kayang gutumin sarili ko. Yan ganyan, Mads. Wag ka masyado paapekto.

Tiningnan ko yung oras, medyo late na para sa dinner pero kero lang. Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalabas ba ako ng kwarto para kumain. Kasi alam kong nandito na yung iba. Pero dahil gutom talaga ako, bumaba na ako. Pagkarating ko sa kusina nandoon sila Jho, Gizelle, Deanna, Trey at Bea. Wow, maaga silang umuwi ngayon ha?

"Huuuy beh! Halika dito" Tawag sakin ni Jho kaya napatingin sila sakin. "Kain tayo! Dala ni Bea at Trey!"

Kahit ayoko napilitan na din akong sumalo at makikain sa dala ni Bea at Trey. Ayokong makahalata sila na may alam ako.

"Wait, umiyak ka ba beh?" Tanong ni Jho. Umiling naman ako. "Wag ka sinungaling beh. Kita na ebidensya sa mata mo."

"Why? What happened?" Nagaalalang tanong ni Bea sabay lapit sakin.

"I got carried away sa fantastic four that's why I cried." Wika ko.

Yung tingin ni Jho parang sinasabi na nagsisinungaling ako. Na she won't buy that excuse din.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon