Kabanata 17| Stone Cold
"Hi girls!" Bati samin ni Marcus na may malapad na ngiti.
Nagkatinginan kaming tatlo na parang nagtatanong kung anong meron. Napailing na lang ako dahil pati yung dalawang itlog ay malapad ang mga ngiti.
"Magaayos lang ako ng gamit ko." Malamig na sabi ni Arny at umalis na.
"Napano si Arny?" Tanong ni Marcus samin.
"Wala yun." Nakangiti kong sabi.
"Wala siya sa mood?" Tanong niya ulit.
"Mismo." Si Teya na sumagot.
Nakahiga ako sa may duyan ng biglang umupo din si Axel kaya napaupo ako bigla. Natatakot ako mahulog sa duyan eh.
"Bes, dun muna ako." Sabi ni Teya at naglakad lakad na.
"Sama kami!!" Sabi nung dalawang itlog.
Naiwan kami ni Axel sa may duyan. Ang lalim ng iniisip ng kasama ko kaya tinulak tulak ko siya.
"What?" Nakasimangot niyang tanong sakin.
"Bat di ka sumama sa kanila?" Tanong ko.
"Gusto ko dito sa duyan."
"Eh nauna ako. Shoo na!" Angal ko.
"Bakit? Sayo ba 'to?"
"Nauna nga ako!!"
"Wala namang pangalan mo ha?"
"Wala kang kwentang kausap.. shoo!"
Bigla akong natigilan sa sinabi ko.. naalala ko bigla si Bea. Siya lang madalas kong sabihan nun..
"You don't just shoo Axel." Tinaasan niya ako ng isang kilay niya.
"Oh my god, Axel Gregory? Did you just raised your brow on me?"
"What? No!" Depensa niya.
"Are you saying na liar ko?"
"No!" Depensa niya.
"Okay. Shoo na please? Nagduduyan ako oh!" Sabi ko.
"Nuh-uh. Gusto ko rin magduyan." Sabi niya sabay iling.
"Grabe! Babaliktad tayo dito! Taba mo pa naman."
"Hoy di naman ako ganon kataba ha!" Reklamo niya.
Sinimangutan ko lang siya. Gusto ko talaga dito sa duyan ng nakahiga kaso epal si Axel kaya nakaupo lang tuloy ako.
"Magkawrinkles ka niyan sige ka." Sambit ni Axel sakin.
"Heh! Alis na!"
"Babalik ka na ng Manila bukas no?"
"Yup. Why?"
"Excited ka na?"
"No." Wika ko. "Balik sa normal eh. Training everyday."
"Kung sa Manila din sana ako nagaral baka pareho tayo ng buhay." Natatawa niyang sabi.
"Pareho naman tayong Atenista."
Nagkibit balikat lang siya. "Davao naman ako."
"Tatak Bughaw pa rin." Sabi ko.
Pinasadahan niya ng palad yung buhok niya. Mala-James Reid talaga yung katawan at height niya. Hilig ko lang talaga na asarin siyang taba. Hindi rin ako magtataka kung makikilala siya ng husto kung sa Manila nga siya nagcollege at naglaro ng basketball. Tulad nila Andre at Marcus, gwapo naman talaga silang tatlo. Mas angat nga lang talaga si Axel dahil may lahing banyaga ito.
BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfiction2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.