Kabanata 36| Home
"It's Deanna's birthday!! Wakey wakey, Mads!!"
Napanbangon ako dahil sa tinis ng boses ni Jamie.
"Oh my god! I'll meet her new teammates!" Tuwang tuwang wika niya.
Kahit inaantok ako ay pinilit kong tumayo para lang malayo kay Jamie. Si Jamie hindi makapili sa damit na isusuot niya mamaya. Madalas talaga hindi ko maalala kung anong naging dahilan bakit kami naging magkaibigan ni Jamie.
Bumuntong hininga ako. "Ang ingay, Jamje."
"Di ka pa sanay?"
Napangiwi na lang ako. "I'm still sleepy.."
Sumandal ako sa sofa para matulog sana ulit kaso biglang may kumatok sa labas kaya napilitan akong tumayo. Nakapajama pa ako at humihikab habang papunta sa tapat ng pinto.
"Uh, did I wake you up?" Tanong ni Caloy pagbukas ko ng pinto.
Umiling ako. "Kakagising ko lang talaga."
"Uh, may kasama ka?" Tanong niya.
"Si Jamie. Lika, pakilala kita." Sabi ko sabay hila sa kanya papasok.
"Jamie!" Tawag ko at lumabas naman siya sa kwarto.
"This is one of my best bud, si Caloy. Caloy, si Jamie."
Nagbatian naman sila. Buti na lang talaga hindi anti-social 'tong si Caloy at nakakasabay siya sa mga hirit ni Jamie. Sabay sabay na rin kaming kumain dahil si Caloy lang naman mag-isa sa unit niya. Close na nga silang dalawa agad eh.
"So, ilang araw ka dito?" Tanong ni Caloy.
"Eight days lang ako." Wika ni Jamie.
"Oh, edi sabay pala kayo ni Mads na aalis?" Tanong ulit ni Caloy.
Tumango si Jamie. "Yup.."
"Ang bilis naman.."
"Miss na miss mo si Mads no?" Nanunuyang tanong ni Jamie.
"Of course, five years yan nawala eh." Natatawag sagot ni Caloy.
Napangisi naman si Jamie. "Yung first week daw nga ni Mads doon gusto na niyang umuwi pabalik."
"Kung sinabi sana niya kung nasan siya, baka kami pa pumunta sa kanya." Wika ni Caloy.
"Grabe. Kung pagusapan niyo ko parang wala ako dito ha?" Singit ko.
Humagalpak sila sa tawa. "Pikon mo."
"Whatever, Carlos."
Halos sapakin ko na si Caloy dahil sa kadaldalan niya. Lahat ng kalokohan namin noon ay kinwento na niya kay Jamie. Yung isa naman tawa lang ng tawa. Pambihira!
"Light make up lang, Mads." Paalala sakin ni Caloy. "Or kahit wag na. Maganda ka naman."
Napaismid naman si Jamie. "Alam niyo? Konti na lang talaga iisipin kong may something sa inyo dati at muling bumabalik lang."
"Oh, shut up Jamie."
Pinasadahan ko sila ng tingin. Simpleng birthday party lang ang pupuntahan namin kaya di na kailangan ng bonggang damit, yun nga lang dapat naka-white ka either jeans or shirt. Si Caloy ay naka puting v-neck shirt, maong na pants at vans shoes. Gumaya na lang ako sa kanya, puting v-neck at ripped jeans. Samantalang si Jamie ay naka-white blouse, naka-white na maong short at white shoes din.
"Wow, all white ha?" Pang-asar ni Caloy.
Umiling lang ako at iniwan na sila sa loob ng kwarto. Sumunod naman si Caloy sakin.
BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfic2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.