Kabanata 11

1.7K 44 4
                                    

Kabanata 11| Distance

"Uuwi ka bang Davao, Mads?" Tanong ni Bea sakin pagpasok namin sa kwarto.

"Oo. Bakit?"

"Nagaya kasi sila Jho na pumuntang Batangas eh." Sabad ni Jia na katabi si Mich ngayon.

Oo. Kasama na namin si Mich at Bea ngayon. Jusko diba? Pangdalawang tao lang ang kwarto namin naging lima kami.

"Ahh. Hindi ako makakasama." Wika ko.

"Hindi na rin ako sasama." Ani Trey.

"What? Why?" Taka kong tanong.

"Duh. Batchies?"

Napangiwi naman ako kay Trey. "Anla. Andyan naman si Bea at Jho ha?"

"Ayaw ko. Batchies nga." Pagpupumilit ni Trey.

"Clingy mo ha!" Pangaasar ni Jia kay Trey. Nagmake face naman si Trey kay Jia. Isip bata talaga mga 'to.

"Kailan pala flight mo?" Biglang tanong ni Jia.

"Sa linggo na ng umaga."

"Ano?! Bat ang bilis naman babe?!" Tanong ni Bea.

"Matagal ng naayos ni Mama yun."

"Hanggang kailan ka roon?" Tanong naman ni Jia.

"3 weeks."

"What?! 3 weeks lang bakasyon natin ha? Isasagad mo talaga doon?" Tanong ni Bea.

"Yeah. Nangako kasi ako kay Mama."

"Ay grabe. Di ka man lang namin makakasamang gumala?" Sabad na tanong ni Mich.

"Bawi ako next time."

Bigla kaming natigil sa paguusap nung may kumatok sa pintuan at pinapababa kami ni Ate Ly. Pagbaba namin ay nandoon na lahat ng teammates namin. Tumabi naman kaagad sakin si Bea.

"Guys. Alam niyo naman na may 3 weeks vacation tayo diba?" Tanong ni Ate Ly samin. Tumango naman kami lahat.

"Jho said we can have vacation on their house in Batangas." Wika ni Kiwi.

"So, who's in?" Tanong ulit ni Ate Ly. Halos nagtaas naman ng kamay lahat pwera lang sakin at Deanna.

"Why aren't you guys going? You have another plans?" Tanong ni Kiwi.

"Uuwi po akong Davao." Wika ko.

"Ako rin po. Uuwi ng Cebu." Ani Deanna.

"Kailan flight mo, Deanna?" Baling ni Ate Ly kay Deanna.

"Sa sunday po."

"Ikaw, baby Mads?" Baling samin ni Ate Ly.

"Sunday din, dada."

"Ang bilis naman." Sabad ni Ponggay.

"Ilang weeks kayo doon?" Tanong ni Ate Mae.

"Ako po, 2 weeks po." Sagot ni Deanna.

"3 weeks po akin." Wika ko.

Natapos yung meeting kuno namin at nagkanya kanya ulit kami. Hinila ako kaagad nila Jia at Trey paakyat sa kwarto. Kaagad nilang nilock yun.

"Haaay sawakaaaas!! No Beadel, No Michifu!" Masayang sabi ni Trey. Doon ko lang nagets kung bakit sila nagmamadali at nilock kaagad yung pinto.

"Hanep! Ngayon lang ulit tayo nakapagsariling tatlo." Wika ni Jia. Wala pang 5 seconds sa sinabi ni Jia ay may kumatok na sa pintuan namin.

"HOY!!! BUKSAN NIYO 'TO!!!" Si Mich. Madalas talaga napakabungangera niya.

"BABE!! OPEN THIS DOOR!!!" Si Bea. Napangiwi naman ako sa sigaw ni Bea.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon