Kabanata 15| Selos
Nang kalmado na si Arny nagpasya na kami na umuwi para makapagpahinga na rin. Pagdating namin sa bahay ay nakatulog agad si Arny. Si Teya naman ay busy maglaro. Dito ulit sila sa bahay matutulog. Dahil wala akong magawa ay nagbukas ako ng social media accounts ko. Nauna ako sa twitter.
Habang nagsscroll ako ay may iilan din akong niretweet at nifavorite. Napatigil ako ng nakita ko ang isang picture.
Si Ej at Si Bea. Magkasama sila. Pero paano? Di ba nasa Batangas siya? So nasa Batangas din si Ej?
Bakit niya kasama si Ej? Hindi mahilig pumunta sa Shakey's si Bea.. pero nandoon sila ni Ej? Sakto namang nakaonline si Jho kaya minessage ko siya.
Maddie Madayag: Jho?
Jhoana Maraguinot: Hi beh! Kamusta?
Maddie Madayag: Ayos naman. Ikaw?
Jhoana Maraguinot: Maganda pa rin beh. Char!
Jhoana Maraguinot: Beh alam ko may itatanong ka. Ano yerns?
Maddie Madayag: Wala no! Ikaw talaga.
Jhoana Maraguinot: Liar u beh. Oo magkasama si Bea at Ej ngayon. Wala sila dito. Umalis si Bea kagabi kasama si Michifu. Bumalik ng manila, di namin alam bakit eh.
Maddie Madayag: Hindi ko naman tinatanong Jho. Grabe ka.
Jhoana Maraguinot: Sus beh! Wag ka na magkaila pa.
Maddie Madayag: Ewan ko sayo picasso. Bye na nga po. HahahaHindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon. Nagtrending pa nga yung BeaJie dahil sa picture nila.
"Hoy! Baka mabasag mo yang cellphone mo!" Saway sakin ni Teya.
"Bakit sila magkasama?" Tanong ko.
"Ha? Sino?" Takang tanong ni Teya. Umiling na lang ako.
Tiningnan ko lang yung cellphone. Wala pa rin siyang reply. Wow. Ganon ba talaga kalaki galit niya sakin?
Biglang nagvibrate yung phone ko kaya dali dali kong binuksan pero laglag balikat lang ako dahil hindi naman siya yung nagtext.
Axel Kulit Gwapo:
Maddeeeng! Samal tayo bukas? Tutal last na rin naman kasi diba uuwi ka na? Ano, g ba?Leche 'tong si Axel. Siya nagsave ng pangalan niya. Kaloka. Feeler din siya eh.
"Tey, samal tayo bukas?" Tanong ko sa kanya.
"Sure, sige." Sagot naman niya. "Kasama sila?"
"Oo. Si Axel taba yung nagaya eh."
"Sige. Para medyo makalimot 'tong si Kulot." Wika ni Teya sabay tingin kay Arny.
Axel Kulit Gwapo:
Hoy, Axel taba. Oo, g kami.Pagkasent ko ay tumabi na ako kay Arny na himbing na himbing sa pagtulog. Ang peaceful ng mukha niya. Sana laging ganito siya.
Axel Kulit Gwapo:
Grabe ka! May hoy na nga may taba pa! Pambihira!Hindi ko na lang siya nireplayan. Kasi hindi naman talaga siya yung hinihintay kong magtext. Nagaalala na ako sa kanya. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip din kaya niya ako? Kasi ako, hindi naman siya nawala sa isip ko..
May isang text pa akong nareceive mula kay Axel na nakapagpasikip ng dibdib ko.
Axel Kulit Gwapo:
Don't waste too much time to think about someone who doesn't think about you for a second. Good night, Maddeeng! 😂Kinabukasan ay maaga kaming sinundo nila Andre. One night and two days pala kami doon. Feeling turista. Amp
Pagdating namin sa Samal ay nagcheck in kami kaagad. Bago kami naghiwahiwalay sinabi nila na pagtapos namin magayos ay kakain kami.
BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfiction2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.