Kabanata 12

1.6K 49 2
                                    

Kabanata 12| Bahala ka

"Mads? Let's go clubbing!" Bungad na sabi ni Arny sakin.

"What? Why?" Taka kong tanong.

"I just wanna have fun."

Nagkatinginan kami ni Teya. Mga kaibigan ko dito sa Davao.

"Underage pa tayo bakla!" Ani Teya.

"Duh? Ano pang silbi ng pagiging Tan ko diba?" Ani Arny.

Napailing naman kami ni Teya. "Bahala ka."

Wala na akong nagawa para pigilan pa si Arny. Kaya hinayaan ko na. Nagpahatid kami sa driver namin at sinabihan ko na sunduin kami kapag nagtext na ako. Medyo malayo ang Acropolis samin. Eto din yung dahilan kung bakit ayoko magclub.

Pagbaba namin ng sasakyan ay malakas na tugtog mula sa bar ang naririnig ko. Kasabay non ay ang kaba na nararamdaman ko. May mga kilala naman ako na nagpupunta rito. Pagmamayari ng pamilya ng kababata ko 'tong club. Kaya pinapasok kami kaagad ng bouncer, oh well. Perks of having a childhood friend.

"Let's have fun!!" Sigaw ni Arny.

Luminga linga ako at nagbabaka sakali na may kakilala ako.

"Dalaga?" Wika nung lalake. "Wait, dalaga ikaw ba yan?"

"Ha? Excuse me? Sino ka?" Tanong ko.

"Oh god! Maddie! It's you!" Wika niya.

"Yeah? It's me?" Alanganin kong sagot.

Humalakhak siya. "It's Andre. You forgot me?"

"Oh my god?! Binata?!" Gulat kong tanong. "Ikaw nga! Oh my god! Didn't recognize you!"

"Well, yeah. Pogi ba?" Natatawa niyang sagot. Napangiwi naman ako.

"Andre! Omg! Hi!" Bati nila Arny.

"Hello!" Ganting bati ni Andre. "Oh, this are my bro's Marcus and Axel."

"Oh my god! Axel taba!!!" Wika ko.

Sinimangutan niya ako. "Macho ko na kaya payat."

"Akala ko mabubulok ka na sa Amerika." Pangaasar ko sa kanya. Sumimangot siya lalo kaya tumawa ulit ako.

Nagbatian naman kami nila Marcus. Buti na lang at may kakilala na ako na nandito. Pinakilala din kami ni Andre sa iba pa niyang kaibigan.

Nakapagpicture kaming tatlo pati na rin kina Andre at sa mga kaibigan niya. Kinakabahan ako dahil baka makita yun ng mga teammates ko at maaaring maging dahilan ng pagwawala kapag nalaman na nagpunta ako sa club. Hindi talaga ako sanay sa club. Kundi lang talaga dahil kay Arny ay wala akong balak pumunta dito.

"You okay?" Tanong ni Axel kay Arny.

Napatingin naman kami kay Arny na ngayon ay nakapikit.

"Yeah." Tipid na sabi ni Arny.

"Okay, no alcoholic drinks for you missy." Wika ni Axel at inalis ang beer sa kamay ni Anry.

"But--"

"No buts, Arny." Pagputol ni Teya sa kanya.

"Sumasayaw ka?" Tanong ni Marcus kay Teya.

"What? No!" Agap na sagot ni Teya.

"Wooh! Buti na lang. Di ako mapapasabak." Natatawang sabi ni Marcus.

"Why?" Tanong ni Teya.

"He sucks in dancing!" Sabi ni Andre at tumawa ng malakas kasabay ni Axel kaya binato sila ng chips ni Marcus at nagtawanan.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon