Kabanata 9| Karapatan
Pagkatapos ng meeting kuno namin ay naghiwahiwalay na kami para puntahan sila Kim at Jia. Si Jia nasa kwarto namin. Hanep diba? Nakikikwarto na rin samin.
"Hala. Ano ginagawa niyo dito?" Takang tanong ni Jia samin.
"At talagang nagtaka ka pa ha?" Sita ni Trey sa kanya.
"Kwarto kaya namin 'to." Dugtong ko pa.
"Ay, sorry naman." Wika ni Jia.
Pumasok na din sila Ate Mae, Bettina at Bea. Nagtataka man si Jia kung bakit nandito sila ay nanatili siyang tahimik.
"Jiaaaaa." Malambing na tawag ni Ate Mae sa kanya.
"Ew." Humagalpak kami sa tawa dahil sa reaction ni Jia.
"Grabe ka ha." Reklamo ni Ate Mae.
Natawa naman si Jia. "Bakit ba?"
Napapansin ko na rin na unti unti ng bumabalik si Jia sa dati.
"May ilan lang kaming katanungan sayo." Wika ni Ate Mae.
Binalingan niya kami. "Kasali kayo?"
Nagsign lang kami ni Trey na nakazipper ang bibig namin.
"Okay. Ano yun?"
"Anong problema niyo ni Kim?" Tanong kaagad ni Ate Mae.
"Ay, wow. Agad agad? Walang preno friend? Nagmamadali? May lakad?" Sabad ni Trey.
"Hayaan mo na." Wika naman ni Ate Mae.
"Wala naman kaming problema ha?" Wika ni Jia.
"Ate Ji naman. Halata kayang hati tayo ngayon." Sabad ni Bettina.
Tumango tango naman si Bea at Ate Mae. Nagkatinginan lang kami ni Trey.
"Feeling niyo lang yun." Sagot naman ni Jia.
Hindi naman nila mapapaamin si Jia ng basta basta. Wala rin naman kaming balak makisali.
"Ji, kaibigan mo kami. Pwede mo kaming sabihan ng problema." Wika ni Ate Mae.
"Madalas mas okay na wala na lang kayong alam kaysa sa kayo mismo ang masaktan." Sagot naman ni Jia.
"So, may problema nga?" Sabad ni Bea.
"Ay, nandito ka pala Bey?" Tanong naman ni Jia.
"Pambihira! Kanina pako tinatanong ng ganyan." Nakasimangot nanaman siya. Tinakpan ko na lang bibig niya para manahimik.
"Guys.. ano ba talaga kailangan niyo?" Tanong ni Jia.
"Heart to heart talk please." Sabad ni Bettina.
Magrereact sana si Bea kaso pinanlakihan ko siya ng mata kaya nanahimik siya ulit.
"May lovelife ka na?" Takang tanong ni Jia.
Kung hindi ko lang talaga kilala si Jia mapipikon ako sa ginagawa niya. -____-
"Ate naman eh. Tungkol sayo nga kasi." Maktol na sabi ni Bettina.
"Ano ba talagang problema, Ji?" Sabad nanaman ni Bea.
"Dahil sa kanya no?" Biglang sabi ni Ate Mae. Napaiwas ng tingin si Jia. "Sabi ko sayo umamin ka na eh."
"Nahuli ako eh." Mapaklang sabi ni Jia.
"Edi ipaglaban mo?" Sabad ni Bettina.
Malungkot na ngumiti si Jia kay Bettina. "Hindi naman lahat ng bagay o tao sa mundo ay dapat mong ipaglaban kahit gustong gusto mo pa."

BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfiction2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.