Kabanata 26

1.6K 41 1
                                    

A/N: Dahil panalo ang Ateneo kanina... Congrats, Lady Eagles!

Kabanata 26| Lie

Sa mga nakalipas na araw naging busy si Bea at Trey. Laging umaalis ng dorm, wala ni isa man sa amin ang may alam kung saan sila pumupunta o anong pinagkakaabalahan nila.

Maging si Picasso man na bestfriend ni Bea walang alam. Weird but hinayaan ko na lang. Naging mas madalas ang paguusap namin ni Axel thru call at text. Oh diba combo. Kaya nalilibang ako.

Nasa BEG kami ngayon halos kakatapos lang din naming magtraining. Si Bea nagmamadali nanamang umalis. Si Trey naman hindi nagattend ng training namin.

"Bye babe! Palit kayo ni picasso mamaya ha!" Sigaw niya habang tumatakbo.

Nagkatinginan kaming lahat dahil hindi naman ganito si Bea dati. Ni hindi yun aalis kaagad after training, aasarin niya muna si Gizelle.

"Nakakapanibago naman si Bea." Sambit ni Gizelle habang nakatingin sa entrance ng gym.

"Picasso! Wala ka ba talagang alam kung saan nagpupunta si Baby Besh o kahit si Trey man lang?" Tanong ni Ate Ly.

"Wala talaga, Ate Ly. Pero sabi ni Bea uuwi siya ngayon sa kanila." Sagot naman niya.

"Impossible talaga na busy yan eh." Wika ni Ate Ly. "Ikaw, baby? Alam mo?"

Umiling lang ako. Hindi ko naman talaga alam. Madalas nga nakakatulog na ako kakahintay sa kanya sa kwarto nila ni Jho. Gusto niya kasi na magpalit kami ni Jho.

Nanatili lang ako na tahimik habang naguusap sila. Iniisip ko talaga kung saan nagpupunta si Bea at Trey.. bakit lagi silang umaalis? Alam ko naman na wala namang occassion sa kanila.

"Kailangan talaga nating malaman kung saan sila nagpupunta!" Biglang sabi ni Kim. "Malungkot kasi si Flyfly eh."

Napatulala naman ako sa sinabi ni Kim. Halata ba talaga na malungkot ako? Diba hindi naman?

Inakbayan ako ni Jia. "Aalamin talaga natin."

Umiling na lang ako. Magkakasama kaming nagbreakfast ngayon. Bumabalik na sila Jia at Kim sa dati, naguusap na sila ng kahit walang kasamang iba. Progress! Haha

"Ji, may gagawin ka ba today?" Tanong ko. Naalala ko may bibilhin pala ako ngayon.

"Uuwi ako today eh. Bakit? Aalis ka?"

Tumango ako. "Sige. Kitakits na lang sa dorm mamaya? Pagdala mo ako ng pagkain ha!"

Humalakhak naman siya at tumango. Nagkanya kanya naman kami. Bibili kasi ako ng damit panregalo. Birthday nung kaibigan kong taga-UP na.

Wala akong kotse. Una dahil ayaw ng Mama ko. Pangalawa wala akong lisensya. Kaya laging commute. Pagsakay ko ng taxi. Hindi ko napigilang hindi magisip ng kung ano ano.

"Ma'am? Ayos lang po kayo?" Tanong ni Manong Driver.

"Opo." Sabi ko. Nagdrive lang si Manong kaso traffic talaga ngayon.

"Ma'am saan po kayo pupunta?" Tanong ulit ni Manong.

"Sa mall po manong." Sabi ko.

"Julio. Mang Julio itawag mo sakin ma'am." Ani Manong.

"Maddie na lang po, Mang Julio." Sabi ko ulit.

"Mukhang may problema ka, Maddie?" Tanong ni Mang Julio.

"Wala po, Mang Julio." Sabi ko.

"Dahil ba ito sa buhay pagibig?" Tanong ulit niya. Nanlaki mata ko dahil sa tanong niya. "Nako, iha. Madalas may nasakay dito sa taxi ko dahil broken hearted sila."

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon