Kabanata 4

1.8K 52 2
                                    

Kabanata 4| Welcome

"We're here!!" Masiglang sabi bigla ni Bea.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Jusko. Ayoko na bumaba. Bakit ba...

"Babe, let's go! They're waiting na."

May lahi yata talagang flash si Bea. Ang bilis kumilos. Pinagbukasan niya na pala ako ng pinto.

"Backout na 'ko." Sabi ko sa kanya sabay talikod.

"Babe nandito na tayo oh." Wika ni Bea. Magsasalita pa sana ako nung may sumigaw bigla.

"ATE BEAAAAAA!!"

Isang chikiting na lalake ang tumatakbo pababa ng hagdan ang sumalubong samin.

"Hey! Be careful, kid!" Sigaw ko. Nakangiti naman siya habang palapit samin.

"Oh, hi po! You must be Maddie po?" Magalang 'tong batang 'to.

"Babe, this is Kelvin. My cousin." Singit ni Bea.

Tiningnan ko siya. "Weh?"

"What?" Nakakunot niyang tanong.

"Magalang si Kelvin, ikaw hindi." Bulong ko.

"Sayin' something babe?" Tanong niya. Umiling naman ako.

Hinila ako ni Kelvin papasok sa bahay. Ewan ko kung kila Bea ba 'to o hindi.

"Grandma! I met Ate Maddie na!" Wika ni Kelvin.

"Kelv wag mo hilahin si Ate Maddie mo." Pagbawal ng Lola nila. "Kay gandang bata mo naman pala iha." Baling sakin ni Lola.

"Good evening po, Ma'am." Wika ko sabay mano. "Thank you po pala."

"No, no, no. Grandma na dapat itawag mo sakin, right Bea?"

Ngumiti si Bea. "Yes po."

"Ma, wag mo naman biglahin si Maddie." Biglang singit ni Tito Elmer. "Hi, Maddie. This is my mother, Leticia. And this is my father, Antonio."

"Hello po. Goodevening po." Bati ko sabay mano.

"Oh, hi Maddie!" Sabad ni Tita Det.

"Hi, Tita!" Bati ko. Magmamano sana ako kaso niyakap ako ni Tita.

"Halina kayo't para makakain na tayo." Wika ng Grandma.

Nandito din pala yung kapatid ni Tito Elmer pati pamilya niya. Pero kanino kaya bahay 'to? Ang ganda eh.

"This is one of the rest house of grandpa, babe."

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. "Bey! Wag mo naman ako gugulatin!"

Natawa siya at inakbayan ako papunta sa table. Nagdasal muna kami bago kumain. Nang nagumpisa na kaming kumain ay nagsimula na rin silang magtanong.

"Makulit ba si Bea, Maddie?" Tanong ni Grandma.

"Ay, sobra po." Natatawa kong sagot. Natawa din si Grandma.

"Hey. No kaya! Naglalambing lang." Depensa ni Bea.

"More like nanghaharot." Sabad ni Kuya Loel.

Humagalpak sila sa tawa at napasimangot naman si Bea.

"Babe that's what Ate Bea's calling Ate Maddie." Biglang sabi ni Kelvin. Halos maibuga ko na kinakain ko.

"Oh edi kayo na?" Si Tita Det naman ang nagtanong.

Nanlaki mata ko. "Hala! Hindi po!"

"Not yet, mom. Still working on it." Biglang sabi ni Bea. Lahat yata ng dugo ko ay umakyat na sa mukha ko.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon