Kabanata 20

1.6K 47 0
                                        

Kabanata 20| Never

Habang nagaayos ako ng gamit nakita ko yung box na pinapabigay kay Bea. Hindi ko alam kung ibibigay ko ba sakanya o hindi.

Tinapos ko na muna yung pagaayos ng mga gamit ko at nagtext na kila Mama na nandito na ako sa dorm. Si Trey naman busy sa laptop niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Lumabas ako ng kwarto ng hindi nagpapaalam kay Trey. Nang nasa tapat na ako ng kwarto nila Jho, kakatok na dapat sana ako kaso biglang bumukas yung pintuan at palabas si Jho at pareho pa kaming nagulat.

"Huy beh! Napasyal ka?" Bati niya sakin.

Nginitian ko lang siya at tinanguan. "Si Bea?"

"Diyan sa loob." Sabi niya at biglang labas. "Palit muna tayo ng roomie ngayong gabi ha!"

"Ha?" Taka kong tanong.

"Diyan ka muna. Kakausapin ko si kulot eh."

"Uy picasso saglit!!" Sabi ko kaso biglang tumakbo naman siya. Pambihirang picasso yun!

Are you kidding me?! Dito talaga ako matutulog?! Jusko naman!! Hindi pa nga kami naguusap ni Bea ng maayos!! Mukha wala din naman talaga akong choice. Pambihirs namerns.

Pumasok na ako at nakita ko kaagad si Bea na nakahilata sa kama niya na busyng nanonood ng TV.

"Bea." Tawag ko sa kanya pero deadma lang siya.

"Bea." Tawag ko ulit.

"Bea."

....

"Beayayuuuh."

Hala punyemas?!?!! Talagang deadma ako sa ugok na 'to?!

"Beatriz!!!" Naiinis na talaga ako.

"ISABEL BEATRIZ!!!" Sigaw ko.

"Hoy!" Bulyaw niya sakin. "Ingay mo. Bakit di ka kaya lumapit dito?"

"Ay? Naririnig mo pala ako?" Sarkastiko kong tanong.

"Psh."

"Sungit." Bulong ko.

Inirapan niya lang ako. Dukutin ko yang mata mo eh. Kaurat. Lumapit naman ako sa kanya at inabot yung box. Kinuha naman niya. Pagkatapos niyang abutin humiga ako kaagad sa kama ni picasso.

"Aanhin ko 'to?" Tanong niya.

"Try mong kainin." Inirapan niya ko pagkatapos ko magsalita.

"Ano 'to?" Tanong niya.

"Duh? Box."

"Alam kong box to. Ibig kong sabihin anong laman?" Naiinis niyang sabi.

"Di ko alam. Pinapabigay lang yan ng fan mo. All the way from Samal." Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

"Pinapabigay?" Dismayado niyang tanong.

"Uh-uh. Malay mo bomba yan." Natatawa kong sabi.

"Psh." Pagsusungit niya ulit. Red flag niya sigurado kaya ganyan siya.

Hinayaan ko lang siya at pinikit ko na yung mata ko. Nasa kwarto namin ni Trey yung phone ko. Tinatamad naman ako lumabas.

"Beeeh! Yung phone mo!!"

Napabangon ako bigla dahil sa sigaw ni picasso. Inabot ko yung phone ko at nagtalukbong kaagad ng kumot. Lumabas na siguro si Jho kasi tumahimik na.

"Hoy. Di mo man lang ba ako namiss?" Tanong ni Bea sakin. Hindi ko siya sinagot at nagkunwari akong tulog.

"Are you serious? Tulog na talaga?"

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon