A/N: This is the last chapter. Thank you!
Kabanata 40| Official
Hindi naman daw lahat ng kaya mong pakawalan ay kaya mo pang balikan. Pero possible kaya na yung taong dahilan kung bakit ka nasaktan ay siya pa din ang dahilan para maging maayos ka?
Possible nga kaya? Possible ba na kayang hilumin ng taong nakapanakit sayo ng husto ang mga naging sugat mo? Na kahit taon na ang lumipas siya at siya pa din ang hahanapin mo tuwing paggising mo sa umaga o kahit bago ka matulog?
"Ang tanga mo. My god!" Asik ni Jamie sakin nang nagkwento ako sa naging usapan namin ni Bea.
"How can you hurt her that much?" Tanong niya sakin. "And how can she love you that much?"
Napabuntong hininga ako dahil sa sermon niya sakin. Hindi ko naman alam isasagot ko kanina kay Bea. Alangan namang sunggaban ko kaagad diba?
"She found you yet you lose her." Napapailing na sabi ni Jamie.
"So, stupid. I like you, Maddie. But Bea deserves you more." Singit ni Brix na kausap namin ngayon via skype.
"And we won't mind naman kung balikan mo siya. At balikan mo sila." Dagdag ni Jamie.
"Wait ha?! I'm your friend kaya! Why are you guys like that?" Maktol kong sabi. "Aray ko naman, Jamie!"
Sinabunutan kasi ako ni Jamie. "Naalog ba yang utak mo?"
"Grabe ka naman sakin, Jaym!"
"Eh nakakainis ka eh! Yun na eh! Pinakawalan mo pa!"
"Eh nabigla kaya ako!"
"Oh bakit? Wala ka bang paa para habulin siya?!"
"Bakit mo siya kinakampihan?!"
"Kasi tanga ka!!"
"Girls!! Stop!!" Awat ni Brix samin. "Ano ng balak mo ngayon, Mads?"
Nagkibit balikat lang ako. "Hindi ko alam."
Sumimangot naman silang sakin. "Win her back!!"
"Why would I do that, Brix?"
"So stupid of you! Oh, god!" Napairap naman ako sa sinabi niya. "Because you lover her! Don't you dare lie on us!"
Napabuntong hininga ako ulit. "I don't know what to do."
"Kung dati siya ang nageeffort, ngayon ikaw naman ang mageffort." Wika ni Jamie habang tinataas baba yung kilay niya.
"Jaym stop doin' that! You look like a rapist!!" Angal ni Brix. Humagalpak kami sa tawa. Si Jamie naman inend yung call ni Brix.
"Pikon mo." Pangaasar ni ko kay Jamie.
"Fuck you." Asar na wika ni Jamie.
Napailing nalang ako sa naging sagutan namin. Hindi ko nga alam kung nakakatulong ba sila o nakakadagdag lang sa problema ko.
"Try to win her back, Mads." Baling sakin ni Jamie.
Napasimangot naman ako. "I don't know how to do that."
"Then, we'll have a mission. Win Beadel's heart." Nakangiting wika ni Jamie. "We'll need some help. And I know who can help us." Tinaas baba niya ulit mga kilay niya.
"Mukha ka ngang rapist. God!" Eksaheradang wika ko sa kanya kaya hinampas niya ko.
Dahil sa kagustuhan ko ring mabalik sakin si Bea ay pumayag na ako sa sinabi ni Jamie. Hindi ko nga lang alam kung paano namin gagawin yun at kung ano naiisip ni Jamie, may tiwala naman ako sa kanya kaya hahayaan ko na.
BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfiction2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.