Kabanata 32| Love yourself
Pagdating ko sa harap ng dorm ay saktong pagbukas naman ng pinto. Halatang nagmamadali kasi hindi pa nakasuot ng maayos yung jacket niya.
"Oh! Thank god! Where have you been, baby?" And yes, si Bea po ang taong sinasabi ko.
"Gumala lang. Pwede na ba ako pumasok?" Tanong ko. Hinawakan niya kamay ko pero binawi ko kaagad. Nagulat siya at tiningnan ako.
"Babe?"
I faked a smile. "Yes?"
Umiling siya. "I missed you."
I just smiled at pumasok na sa loob. Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sakin, Bea?
"Hi baby fly!" Bati ni Ate Mae sakin. I smiled at her. "Okay ka lang ba?"
"Ha? Oo naman."
"Saan ka pumunta?" Tanong ni Ate Ly.
"Gumala lang, dy."
"Sino kasama mo?"
"Si Jho, dy." Wika ko. "Akyat muna ako, dy."
Hinayaan naman niya ako na umakyat na. Nakita ko na naguusap si Bea at Trey. Mukhang seryoso sila sa pinaguusapan nila kaya nagtuloy tuloy na ako.
Pagpasok ko ng kwarto ay pagbagsak akong humiga sa kama at pumikit. Pinakiramdaman ko yung puso ko kung kaya pa ba. Tumitibok pa naman pero basag na basag na. Unti unting pumatak yung luha ko. Kung kailan handa ko na siyang ipaglaban doon pa nangyari 'to. Ano ba laban ko? Lalaban pa ba ako?
Napatayo ako bigla ng marinig ko yung katok mula sa pinto. Hindi si Jho 'to. Balahura si Jho, bubuksan niya kaagad yung pinto eh.
"Babe?"
Natigilan ako ng narinig ko yung boses ng kumakatok.
"Are you asleep?" She chuckled. "Of course, Bey. She'll answer naman if gising pa siya."
Naglakad ako papunta sa may pinto. Gusto ko, gusto kong marinig yung boses niya.
"Babe?" She said. "I missed you. Sobra."
I miss you, Beatriz. Hindi ko na nakayanan at umiyak ulit. Napaupo ako at doon umiyak.
"Can we go back to the way we used to be? Kasi sobrang namimiss ko na yung dating tayo."
Tinakpan ko yung bibig ko dahil baka marinig niya yung paghikbi ko.
"Come back, baby.." Garalgal na yung boses niya. "Balikan mo na ako."
"I'm so sorry for everything I've done." She said. "Hindi ko sinasadya."
Humikbi na siya. She's crying. I'm crying, how cruel our fate is? Pinaglalaruan na kami. Napayakap ako sa tuhod ko. Hindi ko namalayan na basang basa yung mukha dahil sa pagiyak ko.
Kinabukasan ay pinilit ko yung sarili ko na maging normal. Ayokong makahalata sila na may pinagdadaanan ako. Bago pa ako makalabas ng kwarto ay tiningnan ko muna yung phone ko.
Beatriz De Leon:
Babe, let's date later? 5pm.Diana Carlos:
Pst. Pwede help po?Napakunot naman ako ng noo. Si Caloy? Nanghihingi ng tulong?
Beatriz De Leon:
Okay.Diana Carlos:
Saan? Bakit? Kailan?Pagbaba ko nadatnan ko sila Deanna at Ponggay na seryosong naguusap. Hindi nila ako napansin kaya nagdiretso na ako papuntang pinto.
"Bakit?" Tanong ni Ponggay.
"B-babe." Ani Deanna.
Napahinto ako sa pagbukas ng pinto. This is the first time na narinig ko si Deanna na nagstutter.

BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfic2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.