Kabanata 27

1.3K 41 5
                                    

Kabanata 27| Break

Napaupo ako bigla sa seaside ng mall. Yung luhang pinipigilan ko kanina biglang bumuhos. Ano bang nangyayari sakin? Gusto ko ng tumigil sa pagiyak dahil pagod na mata ko at nagmumukha na akong tanga dito pero ayaw naman tumigil ng mga luha ko. Kusang bumabagsak na lang.

"Miss Maddie?"

Hindi ko kaagad siya nakilala. Malabo kasi yung mata ko dahil sa mga luha ko kaya pinunasan ko.

"Bakit po kayo umiiyak?"

"Huy, rookie. Ikaw pala." Sabi ko sabay ngiti.

"Wag ka po ngumiti. Alam ko naman pong fake yan."

"Sorry.." Sabi ko sabay yuko.

"Eto po panyo." Sabi niya sabay abot sakin. "Saka wag po kayong yumuko. Baka po mahulog korona niyo."

Napatingin naman ako sa kanya. "Korona?"

"Sabi ng tatay ko po. Lahat ng babae may invisible crown. Kaya hindi po sila dapat yumuyuko." Nakangiti niyang sabi.

"So may korona ka rin?" Tanong ko.

Napangiwi naman siya sakin. "Sakit naman po nung tanong niyo, ate."

Natawa naman ako. "Sorry, rookie."

"Ayan. Ganyan po dapat. Tawa po ng totoo." Nakangiti niyang sabi.

"Salamat pala sa panyo mo ha? Pero saka ko na ibabalik pag malinis na."

"Marumi po ba luha niyo?" Tanong niya sakin.

Napakunot noo naman ako. "Hindi. Bakit?"

"Sabi mo po pag malinis na edi ibig sabihin marumi po?"

"Ang corny mo pala rookie."

"Pinaglihi po kasi ako sa mais." Sabi niya sabay tawa.

Ngumiti ako. "Kaya naman pala, rookie."

"Ay grabe siya! Naniwala po talaga kayo sa sinabi ko?"

Tumawa ako. "Slow mo din pala minsan no?"

"Medyo nilalait niyo na po ako eh no?"

"Slight lang, rookie."

"Err. Pwede po wag na rookie tawag niyo sakin?" Tanong niya.

"Bakit?"

"Kasi baka next season tawagin niyo na akong sophomore eh." Nagkakamot pa siya ng ulo habang sinasabi yan. "Ang pangit kaya nun. Mukha po ba akong taon?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Nice idea, rookie."

"Ay, grabe siya."

"Biro lang. Sige, ano itatawag ko sayo?"

"Pogi." Napaubo naman ako bigla sa sinabi niya. "Grabe naman po yung reaction niyo."

"Grabe din naman kasi sinabi mo."

"Nagbibiro lang po eh. Caloy na lang po."

"Wag ka na rin mag-po sakin, Caloy. Hindi naman ako ganon katanda."

"Okay, Maddie." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti lang din ako. Kahit papaano nabawasan yung sakit na dinadala ko ngayon. Nakalimot ako ng kaonti.

"Ano nga pala ginagawa mo dito? Ikaw lang magisa?" Tanong ni Caloy sakin.

"Wala naman. Papahangin? May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?"

Napangiwi naman siya. "Ang corny mo din mag-joke."

Tumawa ako ulit. "Oo ako lang. Ikaw ba?"

"Pero papahangin? Grabe. Ang layo naman ng narating mo. Ako lang din."

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon