Kabanata 5

1.8K 55 2
                                    

Kabanata 5| Rejected

Kinabukasan ay nauna akong nagising. Nakayakap pa rin si Bea sakin kaya hindi ako gaanong makagalaw.

Dahan dahan kong inalis pagkakayakap niya sakin. Nung naalis ko na ay nilagyan ko ng unan sa tabi ni Bea. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina. Medyo maaga pa talaga, madilim pa sa labas eh.

"Good morning po." Bati ko kay Manag Milet.

"Ay, Good morning po ma'am."

"Wag na po ma'am. Maddie na lang po."

"Sige, Maddie." Wika niya. "Gutom ka na ba?"

"Hindi po." Nakangiti kong sabi. "Tulungan ko na po kayo?"

"Wag na, iha." Nahihiyang wika ni Manang.

"Sige na po." Pamimilit ko.

"Osige na nga." Wika ni Manang. "Bakit nga pala ang aga mong nagising?"

"Nakasanayan lang po." Nakangiti kong sabi.

Tinulungan ko magluto at maghanda si Manang. Nagkukwentuhan din kami nung biglang pumasok sila Grandma at Grandpa.

"Good morning po." Bati ko sa kanila.

"Good morning din, iha." Ganting bati ni Grandpa. "Ang aga mo yatang nagising?"

"Ah, opo eh. Nasanay po kasi ako." Sabi ko. "Gusto niyo pong kape?"

"Halika na sa dining table, iha. Sabay sabay na tayo." Sabi naman ni Grandma.

Sumunod naman kami ni Grandpa. Nandoon na rin yung pamilya nila bukod kay Bea.

"Iha, pwede bang ikaw na gumising kay Bea?" Tanong ni Tita Det.

Tumango ako at pumunta na kay Bea. Tulog na tulog pa rin siya.

"Bey. Gising na." Tinatapik tapik ko pa siya.

"Hmmm."

"Gising na. Kakain na."

"5 minutes please."

"No. Tayo na."

Bigla siyang napabangon. "Tayo na? Sinasagot mo na ako?"

"What? No!" Nakakunot noo kong sabi.

"Mauna kana." Sabi niya sabay higa ulit.

"Beatriz masamang pagantayin ang pagkain." Naiinis kong sabi.

"Zzzzzzz."

"Isabel Beatriz Paras De Leon."

"Yes, Mrs. De Leon?"

"Shut up. Pag ikaw di pa tumayo diyan, uuwi talaga ako sa Manila." Pananakot ko sa kanya.

"'To naman, di mabiro. Tara na, babe." Sabi niya sabay tayo.

"Maghilamos ka kaya muna?"

"Why? Mabango naman ako ha?" Taka niyang tanong.

Umiling nalang ako at naglakad palabas ng kwarto. Pagdating namin sa dining table ay puro pangaasar ang inabot namin.

"Nako ha? Ano ginawa niyo? Bat ang tagal niyo?" Sita ni Tita Che.

Ngumiti naman si Bea. "Secret, auntie."

"Aba, apo. Nagiging mabilis na ha?" Si Grandpa. Bigla akong napaiwas ng tingin.

"Yes po, grandpa." Natatawang sabi ni Bea. Nagtawanan naman lahat.

Sinamaan ko siya ng tingin at kinurot ko. Pero tumawa lang siya lalo.

"It's fine, babe." Bulong niya sakin.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon