Kabanata 14| Kaibigan
"Seryoso niyo naman!" Sabad bigla ni Axel.
"Epal ka talaga." Bwelta naman ni Andre sa kanya.
"Ay grabe ka bai!"
Natawa na lang kami dahil kay Axel. Nandito na rin pala sila Arny at Marcus.
"Can I ask now bakit she?" Biglang tanong ni Andre sakin.
"Uyyy! Ano pinaguusapan niyo?" Tanong ni Axel. "Aray ko naman!!"
Sinapak kasi siya ni Andre. "Manahimik ka muna diyan."
"I don't know." Sabi ko sabay tawa. "Nagising ako isang araw, siya na eh. Siya na yung nandito." Sabi ko sabay turo sa puso ko.
"Ha? Ano yun?" Tanong ulit ni Axel.
"Sabi ko dati kaibigan lang.. kahit bestfriend pa. Kaso lumagpas eh."
"Oh my god?" Sabad ulit ni Axel. "Wala akong nagets?"
"You're whipped." Biglang sabi ni Andre.
"Am I?" Tanong ko.
"Wait guys." Sabad ni Axel. "Nagdudugo na ilong ko. Ano bang pinaguusapan niyo?"
"Lovelife ni Mads." Tipid na sabi ni Andre.
"Ay? Talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Axel. "Is my ship already sailing?"
Napaawang naman ako ng bibig dahil sa sinabi ni Axel. Minsan talaga may panira sa moment eh. Nandoon na eh biglang segway pa.
"Shut up." Wika ni Marcus kay Axel.
"Like what I've told you dalaga, updated talaga siya sayo." Sabad ni Andre.
"Hay nako." Side comment nanaman ni Axel.
"Pagbalik mo, aminin mo na ha?" Sabi ni Teya.
"Told you bro! My ship is sailing!" Natatawang sambit ni Axel kay Marcus sabay sapak din.
"Pinagsasasabi mo?" Tanong ni Andre kay Axel.
"Well, I'm a fan of BeaDdie." Nakangiting sabi ni Axel.
"How did you.. know?" Taka kong tanong.
"Team balcony." Natatawang sabi niya.
"Wait, wait. Sino yun?" Tanong naman ni Andre.
"Bea De Leon bro." Sagot ni Marcus.
"Bea De Leon? Who?" Tanong niya ulit.
"Tanga mo talaga." Poker face na sabi ni Axel. "Yung "she" ni Maddie."
"Tangina ka! Kota ka na talaga sa kakatanga sakin!" Asik ni Andre kay Axel.
"Darating talaga sa point na marerealize mo na tanga ka." Sambit ni Axel. "Kaso di pa dumarating yun kaya uulit ulitin ko muna."
Susmaryosep. Nagumpisa nanaman silang dalawa. Umaawat nanaman si Marcus sa dalawa.
"But tandaan mo, Mads. Na kahit mahalin ka man ng ibang tao sa mundo, iba parin kapag mahal ka ng taong gusto mo." Seryosong sabi ni Axel samin.
Minsan talaga mas masarap kausap yung mga taong kakakilala mo lang. Hindi ka basta basta huhusgahan. At yung mga taong palabiro, kasi kapag nagseryoso alam mong totoo sinasabi nila.
"Kaya ikaw, Andre, never beg someone to stay." Seryoso pa rin si Axel. "Kung gusto na nyang umalis, edi ihatid mo sa terminal. Tangina niya, bigyan ko pa pamasahe."
Punyemas na Axel 'to. Akala ko seryoso na talaga eh -____-
"Gago ka!" Sabi ni Marcus at sinapak siya.
BINABASA MO ANG
Where My Love Goes?
Fanfic2016 (c) | I breathe the air that you breathe, I am always with you in disguise.