Ashine at multimedia. The naive girl in the story..
***
Kinabukasan (MIYERKULES)
Maagang pumasok ang mga estudyante saAeoua Senior High School. Excited na excited ang karamihan sa kanila lalo naang mga freshmen na sasali sa iba't ibang club. Dagsa rin ang mga gustongmagpalista lalo na sa Karate Club na siyang pinakasikat sa lahat.Habang nagkaklase sa room nina Zaimiraat Miako ay sandaling nag-usap ang magkaibigan.
"Miako, sasali ka rin ba sa Karate Club?" Tanong ni Zaimira sa kanya.
"Naku! Pag-iisipan ko pa 'yan. Alam mo namang mahirap ang training d'yan eh!" Sagot ni Miako sa kaibigan.
"Gano'n ba? Sana naman Karate Club na angmapili mo para magkasama na lang tayo." May halong lungkot ang tinig nito. "Basta kung sasali ka, sabihan mo lang ako ha para ipalista nakita kay ate." Dugtong niya pa.
"Oo ba."
Makalipas ang isang oras ay recesstime na. Mag-isang lumabas si Zaimira sa room at hindi niya na hinintay pa si Miako. Habang naglalakad siya sa tabi ng flower pot patungong canteen ay narinig niya ang pangalang Wakato sa boses ng isang lalaki.
"Anong klaseng biro ba naman 'yan, Wakato?! Ang isang kagaya mo magpapa-under na lang sa kung sinu-sino?!" Hindi makapaniwalang singhal ni Mitsuzaki kay Wakato.
"Hindi ako nagbibiro p're! Sasali talaga kami ni ate sa Karate Club." Sagot naman ni Wakato.
"At dinamay mo pa ang kapatid mo! Nahihibang ka na 'ata eh. Ano naman ang alam ng isang 'yon sa Karate?!"
Tumabi si Zaimira sa likod ng mga halaman at nakinig sa usapan.
"Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak niya. Ba't kasi 'di mo na lang ako samahan?" Yaya nito sa kaibigan. Napangisi naman si Mitsuzaki sa kanya bago sumagot.
"Hindi ko ibababa ang pride ko sa mga taong 'yon 'no!" Pagmamataas niya. "Tsaka, sa Swimming Club ko naman talaga gusto sumali. Ikaw, bakit ba Karate Club pa ang napili mo?"
"Sasali ako do'n dahil sa isang babae!" Direktang sagot nito.
Napatawa nang malakas si Mitsuzaki habang si Zaimira naman ay napa-isip nang malalim. Naramdaman niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso kasabay ng pangamba na baka makita siya ng dalawa. Gustuhin niya mang makinig ay mas nangibabaw sa kanya ang takot kaya nagmadali siyang lumayo sa dakong iyon nang hindi pa namamalayan ng dalawa. Para sa kanya ay sapat na rin ang kanyang mga narinig. Ang mahalaga ay sasali sa Karate Club si Wakato at ikinompirma niya mismo iyon. Ngunit sa pag-alis niya sa dakong iyon ay hindi niya na nalaman pa na ang kapatid niya palang si Yawne ang dahilan kung bakit sasali si Wakato. Mananatiling palaisipan na lamang sa kanya ang lahat sa kasalukuyan.
"Hindi naman kaya ako ang babaeng 'yon?" Tanging natanong ni Zaimira sa kanyang sarili.
Ipinalagay niya na lang ang bagay na 'yon kahit hindi pa naman alam ni Wakato na sasali rin siya saKarate Club.
Matapos umalis ay pumunta si Zaimira sa canteen at mag-isang kumain ng wagu burger subalit maging sa pagbalik niya sa kanilang room ay isang bagay lang ang nananatili sa kanyang isipan. Habang nagsasalitaang kanilang guro ay lumilipad naman ang kanyang imahinasyon. Nagtanong ito at saktong siya pa ang tinawag. Inulit pa ng guro ang pangalan ni Zaimira bago ito natauhan.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Teen FictionThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...