Ruwi Ichikawa at multimedia. The President of Enforcement Team.
***
Dedicated to DanJeriel
Siya ang pinakafavorite kung writer dito sa watty. 😄
***
I really need this chap kasi ayokong magshort cut sa pag-aaral nila ng Karate and this is the basic foundation of Week 5, 6 & 7 especially season 2.
***Samantala, sa swimming pool ng Aeoua High ay masinsinang nagpa-practice ang mga 'kohai' kasama ang National Swimmer na si Mitsuzaki. Malapit na siyang makarating sa dulo ng pool kung saan kanina pa naghihintay ang nakasimangot niyang girlfriend. Ilang segundo matapos siyang umahon ay napansin niyang mag-isang nakaupo si Miako sa isang plastic na bench at parang malalim ang iniisip. Napatingin ito sa kanya habang nakahalukipkip at pagkatapos ay hindi na siya nag-atubiling lapitan ito kahit pa basa siya sa suot na swimming trunks.
"Kamusta? Nakapasok ka ba?" Tanong ni Mitsuzaki habang nakatayo sa tabi ni Miako.
"Hindi ako nagpunta dito para ikwento sa'yo ang nangyari sa elimination." Mataray niyang sagot sa boyfriend. Tumayo pa siya at direktang napatingin sa mga mata ni Mitsuzaki. "Gusto kong sabihin mo sa'kin ngayon ang totoo, Mitsuzaki. Meron ba akong dapat malaman tungkol sa'yo? May inililihim ka ba sa akin?" Galit niyang dugtong.
"Wala. Bakit?" Kaagad niyang tugon na ang iniisip ay baka babae ang tinutukoy ng girlfriend niya.
"Eh ang tungkol sa kapatid mo, si Sheichiro? Totoo bang magkapatid kayo?"
"Ah, akala ko naman kung ano na." Napangiti ito bago muling nagsalita. "Hayaan mo akong magpaliwanag. Ikekwento ko sa'yo ang lahat."
"Huwag na! Sinabi na sa'kin ni Sheichiro lahat. Bakit ka ba ganyan? Sinasabi ko sa'yo lahat na mga problema ko, pero ikaw hindi mo 'yan sa'kin magawa!? Nagmukha pa tuloy akong tanga kanina sa harapan ng kapatid mo!"
Bakas ni Mitsuzaki ang galit sa tono ng pananalita nito. hindi niya tuloy maiwasang hindi makonsensya.
"Pasensya na." Buong puso na paghingi nito ng tawad. "Hindi ko kasi inasahan na magkakakilala kayo kaagad. Pero balak ko naman talagang ikwento sa'yo ang lahat 'pag maayos na kahit pa'no ang problema ko sa pamilya ko." Dugtong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/75437838-288-k67587.jpg)
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Ficção AdolescenteThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...