Miako Kirihara at Multimedia, ang gf ni Mitsuzaki Makihara.
Sa Matsugen Restaurant naman kung saan eksperto ang pagluluto ng te-uchi soba noodles, ay naisipang dumiretso ni Sheichiro, Wakato, Hajieme at dalawa pang iba para makapaghapunan. Nag-order si Sheichiro ng bukkabe soba at kaagad niya itong inubos at saka tumayo habang ang mga kasama niya ay hindi pa tapos kumain.
"Waiter, 'yong bill!" Sabi ni Sheichiro sa isang waiter.
"Aalis ka na kaagad?" Tanong ni Wakato sa kanya.
"Oo. Mauna na ako sainyo. Meron pa kasi akong kailangan puntahan ngayon." Sagot sa kanya ni Sheichiro.
"Sige. Mag-iingat ka na lang."
At lumapit kay Sheichiro ang isang waiter para ibigay ang kabuuang bill nilang lahat. Nauna niya na kasing sinabi dito na sagot niya ang bill nila.
"¥ 6,100 po lahat." Sabi ng waiter sa kanya.
"Okay. Keep the change." Wika ni Sheichiro habang inaabutan iyon ng ¥ 7,000.
"Thank you so much sir! Balik po ulit kayo." Nakangiting sambit naman ng waiter sa kanila.
"P're, salamat dito." Pahabol na sabi ni Hajieme kay Sheichiro, isa ring trainee ng Karate Club.
Hindi na sumagot pa si Sheichiro at sumenyas na lang siya ng thumb's up saka nagmadaling umalis. Hanggang alas otso lang kasi ng gabi bukas ang law firm ng abogadong siyang magre-release ng lisensya niya. Nauna nang tawagan kaninang hapon ni Atty. Onizuka si Sheichiro na maaari niya ng kunin ang kanyang lisensya sa opisina; subalit sinabi ni Sheichiro na nasa klase pa siya at nagmagandang-loob naman ang abogado na ibigay kay Sheichiro ang address ng law firm niya kung saan siya dumidiretso pagkatapos ng office hours.
Maswerte namang naabutan pa iyon ni Sheichiro nang bukas limang minuto bago mag-alas otso ng gabi. Nagtanong siya sa secretary at pinapasok siya nito sa hiwalay na silid ng abogado.
"Good evening, Atty! Kukunin ko na po sana ang lisensya ko." Agad na sabi ni Sheichiro na nakalimutan ng magpakilala.
Dahil namukhaan naman ng abogado na ang lalaking dumating ang nasa picture ng hawak niyang lisensya ay hindi na siya nagtanong pa.
"Sandali." Sagot naman ni Atty.Onizuka at binuksan ng abogado ang kanyang drawer. Kaagad niya ring nahanap ang lisensya ni Sheichiro. "Congratulations, Mr. Makihara! Maaari mo na ring gamitin ang International Driving License mo dito sa Japan!" Dugtong niya pa habang inaabot 'yon sa binata.
Ganoon na lamang ang naging ngiti ni Sheichiro nang tanggapin iyon. Lagpas dalawang linggo niya na rin kasing hinihintay na magkaroon siya ng lisensya sa Japan magmula nang dumating siya dito. At dahil nga umiiwas siyang mahuli ay isang beses pa lang siya nakapagdrive ng motor sa siyudad ng Tokyo. 'Yon ay no'ng nagpalista siya sa Karate Club sa bahay ni Zaimira.
"Pakatandaan mo sana ang lahat na mga traffic rules at speed limit para hindi ka magkaroon ng anumang problema sa pagmamaneho mo." Paalala pa sa kanya ng attorney.
"Oo. Alam ko na ho ang lahat ng 'yon. 80 to 100 kph ang speed limit sa expressways habang 30 to 60 kph naman sa local roads. Iwasan ang gumamit ng cellphone habang nagdadrive. Laging naka-setbealt dapat sa kotse at sa kaliwang lane lang dumaan." Mabilisan niyang sagot na ikinatuwa naman ng abogado.
"Good."
Sa Japan kasi para magamit mo ang International Driver License mo ay kailangan 'yong ipa- authenticate at certify true copy sa isang attorney kaya dito niya ito kinuha, hindi sa Land Transportation Office.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Ficção AdolescenteThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...