Mayamaya pa ay nakaakyat na si Sheichiro sa 3rd floor ng building kung saan naroon ang room nila. Sa puntong iyon ay nahahalata niyang kanina pa siya sinusundan ng limang babae mula pa sa canteen. Mapagmasid din kasi itong si Sheichiro pero hindi niya na sinita pa ang mga iyon hanggang sa pumasok siya sa kanilang room. Pangkaraniwan na rin kasi sa kanya ang ganoong mga pangyayari. Ang limang babae naman ay tuwang-tuwa sa kanilang pagbaba nang matuklasan nilang nasa section 3-A kabilang ang crush nilang hindi pa nila alam ang pangalan.Nang hapong iyon, eksaktong 5:00 ay nagsimula nang magsiuwian ang mga estudyante sa Aeoua, gayon din sa klase nina Zaimira at Miako. Magkaklase pa rin sila maging sa Aeoua. Si Mitsuzaki naman at Wakato ay magkaklase rin sa ibang section. Gayunpaman, hindi pa nakikilala ni Zaimira si Wakato 'pagkat wala naman siyang hilig sumama sa paglabas-labas nina Mitsuzaki at Miako noon habang kasama si Wakato. Inuubos nya na lang ang kanyang atensyon sa pag-eensayo upang mas maging bihasa siya sa pakikipaglaban at maging ang paggamit ng espada ay pinag-aralan nya na rin.
Habang naglalakad papauwi...
"Mabuti naman at maaga tayong napauwi ngayon." Sabi ni Miako kay Zaimira.
"Oo nga. Simula pa lang kasi ng pasukan kaya hindi pa tayo mag-eextend ng two hours sa mga club. Pero sa ngayon, mag-eensayo pa ako bago umuwi sa bahay."
"Sige. Galingan mo!" At hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng building.
"Sige, pupunta na ako sa likod, Mikao." Paalam ni Zaimira sa kaibigan.
"Ako naman, aabangan ko pa 'yung crush ko sa gate." Nakangiti niyang sagot.
"Bahala ka na nga. Sige, paalam na!" Pahabol nito bago humiwalay sa kaibigan.
Pumunta na nga si Zaimira sa likod ng building ng mga 1st yr. Nandoon kasi ang lugar na pinag-eensayuhan ng mga miyembro ng Aeoua Karate Club na mas kilala sa tawag na Training House. Maliban sa kompletong gym equipments na ginagamit sa pag-exercise o work out at iba't ibang sandatang pang self defense, katulad ng isang bahay ay may banyo ito at meron ding kusina kung saan pwedeng magluto. Meron pang kwarto na may isang higaan kung saan pwedeng magpalit ng damit o 'di kaya'y magpahinga matapos magtraining.
Bukas ang Training House na iyon sa lahat na lehitimong miyembro ng Karate Club anumang oras nila gustuhin. Kasabay ng susing ibinigay sa kanila ang karapatang maglabas-pasok doon, may permiso man ng master o wala. Sa kasalukuyan ay hindi pa lehitimong miyembro ng Karate Club si Zaimira dahil sasali pa lang siya ngayong taon. Pero gamit ang susi na kinuha niya sa kapatid nang walang paalam ay makakapasok siya sa Training House ngayon. Ang nakatatanda niya kasing kapatid na babae na nagngangalang Yawne ang siyang Master ng Karate Club sa Aeoua.
Pagpasok ni Zaimira sa loob, siya ay mag-isang napaisip.
Magsisimula na sa taong ito ang mga pinapangarap kong sandali!! Dahil freshmen na ako, pwede na akong sumali sa Karate Club! Mabuti pa simulan ko na ngayon ang pag-eensayo para hindi na rin ako mahirapan sa mga training na pagdaraanan ko.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Novela JuvenilThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...