Michiko Yamaguchi at multimedia again. Puro kasi angas ng ibang pictures niya eh kaya hindi lumilitaw ang kanyang ganda so iyan na siya. Ganda niya 'no? She is the only girl na kinababaiwan ni Yunjiro Yamashita.
***
Pagsapit naman ng 6:55 PM ay tapos na ni Yawneng maturuan ang mga trainee. Hindi lang malakas na suntok tulad ng hikite ang naituro niya kundi maging ang straight punch, upper-cut, knife-hand, spear-hand, elbow strike at back fist. Sinanay niya ang mga trainee na gawin iyon nang mahusay gamit ang magkabilaan nilang kamay. Matapos iyon ay muli niyang tinipon ang mga trainee bago tuluyang i-dismiss.
"Pagdating nga pala sa Karate, maaaring maka-encounter kayo ng mga mahuhusay na body builder na kayang magbuhat ng napakabibigat na bagay subalit hindi gumagaling nang husto pagdating sa Karate. Dahil ang totoo, ang Karate ay hindi patungkol sa muscle. It's all about power and speed! Think of Karate not as being able to move a large object but being able to move a small object quickly and with detailed precision. If you use your entire body behind your attack, you will have more power and necessarily employ more speed." Sabi ni Yawne sa harap ng lahat na nagbigay linaw sa pananaw ng iba.
Habang nagsasalita siya sa unahan ng mga nakaupong trainee at nasa kanyang harapan sina Sheichiro at Wakato ay narinig niyang tumunog ang sikmura ni Wakato. Napatingin siya sa nakakatawang binata na nahuli niya pang nakahawak ang kanang kamay sa tiyan. Bahagyang napangiti si Yawne at inalis agad ni Wakato ang kanyang kamay sa tiyan. Dahil sa hiya ay nag-blush pa ang bagito.
"Alam ko na pagod na kayong lahat at gutom na kaya idi-dismiss ko na kayo ngayon. Bukas ay ituturo ko naman sainyo ang basic Karate kicks at ang iba't ibang istilo ng pag-block. Pero mamayang gabi, gusto kong buksan ninyong lahat ang inyong e-mail dahil ise-send ko sainyo ang mga video na dapat ninyong mapanood at pag-aralan. 'Yon ay kaugnay sa apat na aspeto ng Karate; ang kihon, kata, bunkai at kumite. Sana gawin ninyo ang makakaya nyo para mai-master nyo ang mga 'yon. Okay, you can go! See you all tomorrow at exactly 5:15 PM." Huli niyang sabi.
Sabay-sabay namang tumayo ang mga trainee na excited ng umuwi. Nasa ikalawang linggo pa lang sila ng pasukan pero damang-dama na nila ang pagod ng pagiging Senior High Student sa Japan dahil sa dalawang oras na club activities araw-araw. Tiyak nga naman na nakakapagod lalo na kung ikaw ay kabilang sa sports club.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Teen FictionThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...