Dedicate to TheAnonymousBastard,
sabi ko di ba cast ka dito friend (Ren-Ren). Haha! You're not just a supporting character, you have a very big role sa action pack ng kwento! 😆
•••Sa loob ng Training House.
Sa hapong ito, sa utos na rin ni Fujiero, ay personal na pumunta si Yureka sa Training House ng Karate Club para mapag-usapan nila ang isang importanteng bagay. Ngunit, dahil wala si Yawne para magsalita sa unahan ng mga trainee ay si Fujiero na lang ang gumawa.
"Good Afternoon, trainees! Are you ready for training 1?" Malakas na tanong ni Fujiero sa harap ng lahat sa eksaktong 5:15 pm.
"Yes, Grand Master!" Sabay-sabay na sagot ng karamihan.
"Ok. Please submit your waiver form in front. 'Yong walang dalang pirmadong waiver, hindi na pwedeng magpatuloy pa. Kokolektahin 'yan ngayon ng mga Karate Club members sainyo." Wika niya at nag-umpisa naman ang mga trainee na kunin sa kani-kanilang bag ang ipapasang waiver.
Ang mga Karate Club members naman ay nag-ikot-ikot na para magkolekta.
"I will give you 30 mins. to meditate, warm up and stretch. Afterwards, you will find your own partner for sparring. Is it understood?"
"Yes, Grand Master!"
Saka umalis na si Fujiero sa unahan. Tuwang-tuwa naman ang ibang mga kababaihan na makita ulit ang kanilang Grand Master sa Training House.
"Ngayong gabi na pala kayo magte-training 1?" Tanong ni Yureka habang nasa isang tabi at papalapit sa kanya si Fujiero.
"Oo eh! Ang dami nga nila ngayon. Tara na sa kabilang kwarto nang mapag-usapan na natin ang pagpunta mo."
"Sige."
Paglipas naman ng kalahating oras ay nagawa na ng mga trainee ang dapat nilang gawin. Si Yawne at Yunjiro naman ay nakabalik na rin sa Training House matapos nilang mabigyan ng lunas si Tojiema kanina. At kung nalaman na ni Ashine ang sinapit ng lalaking madalas mambully sa kanya ay malamang na ikakatuwa niya ito dahil kahit pano ay nakaganti na rin siya kay Tojiema dahil sa karma.
Sa school clinic kanina, matapos magkaroon ng malay si Tojiema ay sinabi niyang nais niya pang gumanti subalit sinabihan siya ni Yawne na siya lang daw ang mapapahamak at sa susunod na mangyari iyon ay hindi na raw siya gagamutin pa ni Yawne. Bukod sa Karate ay natutunan din kasi ni Yawne sa kanyang lolo at lola ang tradisyonal na pamamaraan ng panggagamot gamit ang acupuncture. Alam niya rin ang nararapat niyang gawin sa isang taong nagtamo ng malakas na atake upang maibsan ang panganib na dulot sa katawan nito. Kaya naman, ng magkaroon ulit ng sigla ay dumiretso na lang sa Judo Club si Tojiema at ang mga kaibigan niya at pilit na lang nilang kinakalimutan ang nangyari dahil sasali pa sila sa isang karera mamaya.
Samantala, matapos makapag-stretch ay naghanap na ang mga trainee ng kani-kanilang partner na makaka-sparring. Parang testing muna iyon sa kanila kung kahit pano'y meron na ba silang natutunan sa nagdaang apat na araw. Mahirap naman kasing asahan na magagaling na agad sila kahit pa marami na sa kanilang napaliwanag dahil masyadong maikli ang dalawang oras sa apat na araw para mai-master nila ang mga 'yon. 15 minutes ang inilaang oras para sila ay makapag-sparring.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Roman pour AdolescentsThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...