10 | Week 1: 1.4 Bargain

331 105 41
                                    

Dedicated to sarahrosebelt

Yan si Mitsuzaki Makihara real name: Imran Abbas Naqvi, my husband to be.. Hahaha Char! Pagbigyan niyo na si author, libre lang naman mangarap eh. Hahahaha! Pero promise super gwapo niya talaga!! Huhuy!! Walang aangal ha??

***

Kinatanghalian naman, 11:30 sa section 1-C ay naunang lumabas si Wakato sa room dahil nagugutom na siya matapos hindi mag-recess kanina at gusto niya ng mananghalian kaagad. Si Mitsuzaki naman ay papalabas na rin nang tawagin siya ni Yuri para sa pakay nito.




"Mitsuzaki!" Tawag ni Yuri sa kanya at napalingon naman ito. "Meron ka bang kilalang Sheichiro Makihara?" Tanong pa nito.

"Oo. Kapatid ko siya. Bakit?" Direktang sagot ni Mitsuzaki sa kanya.

"Wala naman. Napaisip lang kami. Hindi kasi kayo magkamukha eh!" Paliwanag ni Yuri.

"Teka, kanino nyo naman nalaman ang tungkol sa kanya? Eh si Wakato lang naman ang nakakaalam dito na may kapatid ako ah!"

"Wala naman siyang sinabi sa'min. 'Yon nga lang, kagabi may nakita kami sa facebook na fan page ni Sheichiro Makihara. Tapos, dati nakita na namin kayong magkasama kaya napaisip kami." Paliwanag naman ni Nika.

"Gano'n ba? Meron palang fan page ang isang 'yon?" Tanong niya at napakunot noo pa siya.

"Hoy! Mitsuzaki! Wala ka bang balak mananghalian ngayon?! Kanina pa kita hinihintay sa labas ah!" Sigaw naman ni Wakato na nasa may pinto na ng room naghihintay. "Kumakalam na nga itong sikmura ko dito." Dugtong pa nito.

"Kanino ba kasing ideya na 'wag tayong mag-snack kanina?" Tugon naman ni Mitsuzaki bago lumapit kay Wakato.

"Teka, pwede bang sumabay na lang kami maglunch sainyo ngayon?" Tanong ni Nika na may gusto kay Wakato.

"Sa ibang araw na lang siguro. May pupuntahan pa kasi kami ni Mitsuzaki mamaya eh!" Pagkakaila naman ni Wakato.

"Ah, oo!" Pagsesegunda naman ni Mitsuzaki. "Tsaka, takot din kasi sa babae 'yang kaibigan ko." Pabulong niyang dugtong sa dalawang babae upang hindi marinig ni Wakato.


Magkasama namang naglalakad ang magkaibigan papuntang canteen nang magtanong si Mitsuzaki sa kanya. "Bakit mo naman ginawa kay Nika 'yon? Eh alam naman natin dati pa na may gusto sa'yo 'yong tao."

Schoolmate kasi nila ito dati sa Shoin.

"Basta. Hindi na dapat pinapaasa pa ang ganyang mga babae." Tanging nasagot ni Wakato. "Para lang siyang kagaya ni Zaimira." Sa isip niya pa.


At tahimik lang silang naglakad. Pagdating sa canteen, habang kumakain sila ng napakasarap na namero at sakuranabe ay napatanong si Wakato sa kaibigan. "Sya nga pala p're, meron ka bang alam tungkol sa nangyayari sa kapatid nating dalawa?"

"Si Sheichiro at Ashine?!" Napakunot-noo pa Si Mitsuzaki. "Ano naman ang meron sa kanila?"

"Ah, wala naman siguro. Napansin ko lang kasi, sa tuwing nagkikita sila, parang lagi na lang silang nag-aaway."

"Gano'n ba? Hindi naman siguro bago pa kay Ashine 'yan. Kung kayo ngang magkapatid lagi din namang nag-aaway, sila pa kaya ni Sheichiro?! Eh halata namang suplado at mayabang ang kapatid kong 'yon!" Sagot naman ni Mitsuzaki

"Kung sa bagay. May punto ka nga." Tanging nasabi ni Wakato at hindi niya na binanggit pa dito ang tungkol sa sabi-sabing hinalikan ni Sheichiro si Ashine.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon