Dedicated to angelvsdevel07
Ganyan ang angas ng Enforcement Team, ang mortal na kalaban ng Katana Gang!
****
Kinabukasan, araw ng BIYERNES.
5:30 ng umaga ay tulog pa rin ang magkapatid na Makihara sa kanilang kwarto.
Kanina pa sila ginigising ng kanilang ama subalit nakaluto na ito ng agahan at papunta na rin sa trabaho ay hindi pa rin bumabangon ang magkapatid sa kama. Naninibago naman si Mitsuzaki sa ama dahil nasanay na siyang umaalis at dumarating ito na wala sa kanyang pasabi.
"Ano ba, hindi pa ba kayo babangon dyan?" Sigaw ng kanilang ama sa labas ng kanilang kwarto dahil pangalawang balik niya ito sa kwarto ng kanyang mga anak. "Aalis na ako. Iiwan ko na lang dito 'yong susi ng bagong motor." Dugtong niya pa.
"D'yan mo na lang sa ibabaw ng mesa." Tugon ni Sheichiro na tila ayaw paistorbong boses habang nakahiga.
"Sige. 'Wag nyong kalimutang i-lock ang mga pinto bago umalis, ha?" Bilin pa nito.
"Hay! Tanga lang ang magagawing magnakaw dito! Wala naman silang mapapala." Pilosopong sagot ni Sheichiro sa ama.
"Tama ba 'yong dinig ko? Bumili ka ng bagong motor?!" Excited na tanong naman ni Mitsuzaki sa ama habang pumupungas-pungas pa.
"Oo. Para may magamit din kayo ng kapatid mo 'pag may lakad kayo. Pwede nyo ring idala 'yon sa eskwelahan pero ingatan nyo lang lagi kung saan nyo ipa-park." Sagot nito.
"Talaga?! Ang swerte ko naman pala ngayon!" Sabi ni Mitsuzaki at agad itong tumayo sa kama saka kinuha ang susi sa ibabaw ng mesa.
"Matagal ko na rin namang balak dati na bilhan ka ng motor. Hinihintay ko lang na mag-sixteen ka at magkaron ng lisensya." Paliwanag sa kanya ng ama.
"Salamat dito dad!" Nakangiti ito habang nasa palad ang susi.
"Walang anuman. Oh siya, i-test drive mo na."
Napatingin si Mitsuzaki sa kapatid na bumangon na rin sa kama nito. "Hindi mo ba ako sasamahan, Sheichiro?" Tanong niya dito.
"Ikaw na lang. 'Wag ka lang masyadong magtagal dahil baka ma-late tayo sa pagpasok."
"Sige. Ako na lang mag-isa kung ayaw mo." Excited niyang sabi.
At lumabas na sila sa kwarto. Dumiretso si Sheichiro sa kusina habang ang kanilang ama ay umalis na rin para pumunta sa trabaho. Si Mitsuzaki naman ay mas inuna pa ang pag-drive sa bagong motor kaysa kumain ng agahan. Habang tinatanaw siya ni Sheichiro sa bintana ay damang-dama nito ang kagalakan sa mukha ni Mitsuzaki kung kaya't hinayaan niya na lang 'yon nang mag-isa. Total ay nagsawa na rin naman siya sa pagmamaneho ng motor at kotse dati pa.
"Kawawang bata! Unang beses pa lang kasi siya bilhan ni daddy ng motor. Pa'no pa kaya kung regaluhan siya ni mommy ng kotse pagdating niya dito?" Tanging nasambit ni Sheichiro habang tinatanaw ang kapatid palayo.
Samantala, sa Mansyon ng mga Nagi, 6:00 AM ay sabay na nag-aagahan ang magkapatid na Ashine at Wakato habang ang mommy nila ay paalis na rin papunta sa kanilang kompanya.
"Siya nga pala, Wakato, Ashine, may nai-hire na nga pala akong driver ninyo. Kaya hindi nyo na kailangang mag-commute papuntang school." Sabi sa kanila ng kanilang ina.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Подростковая литератураThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...