Dedicated to NyllelaineNyeNight
***
Sa kabilang banda, habang malungkot na nag-iisip si Zaimira ay masayang masaya naman si Wakato na nag-iisip kung saan talaga siya sasali. Sa canteen ng 1st year ay kasama niyang kumakain doon ang magkapatid na Mitsuzaki at Sheichiro.
"Hindi ko pa nga pala nakikwento sainyo p're, alam nyo ba, kaninang umaga may lumapit sa'king isang miyembro ng Enforcement Team at inaalok niya mismo akong sumali sa kanila!" Kwento ni Wakato kay Mitsuzaki matapos din nitong maibida ang bago niyang motor.
"Eh sigurado ka naman bang miyembro talaga ng Enforcement Team ang lumapit sa'yo? Baka naman nagpapanggap lang 'yon." Sabi naman ni Mitsuzaki.
"Hindi naman siguro. Binigyan niya pa nga ako ng calling card." Ipinakita niya pa ito sa dalawa. "At nakasulat pa dyan ang address ng Headquarters ng Enforcement Team." Dugtong niya pa.
Binasa naman ni Mitsuzaki ang nasa calling card. "Ryota Echizen, Agent 103, Enforcement Team. Captain, Tennis Club, Aeoua Senior High School."
"Teka, kaklase ko 'yan ah!" Agad namang sambit ni Sheichiro.
"Talaga?! Kung ganon kilala mo pala si Ryota! Miyembro ba talaga siya ng Enforcement Team?" Excited na tanong ni Wakato sa kanya.
"Itanong mo na siguro sa'kin ang lahat maliban lang dyan." Sagot naman ni Sheichiro.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mahirap man sa'king aminin, pero ang totoo wala akong alam sa sinasabi nyong Enforcement Team na 'yan!" Sagot ni Sheichiro sa kanya.
Sa kanyang pag-amin ay napangiti naman si Mitsuzaki at tinapik siya sa likod. "Okay lang 'yan 'tol. Baguhan ka pa lang naman dito sa Japan. Ang totoo kasi nyan, ang Enforcement Team ang pinagpipitagang grupo ng mga Senior High School at University Students na katuwang ng mga pulis sa layuning buwagin ang lahat na mga gang sa paaralan sa Japan." Sabi ni Mitsuzaki sa kanya.
"Talaga?! Ganoon na ba katindi ang mga gang sa eskwelahan dito para pag- aksayahan nila ng panahon nang ganyan?" Interesadong tanong ni Sheichiro. "Pero pa'no naman sila mapapasunod ng kapwa nila mga estudyante lang?" Dugtong pa niya.
"Simple lang! Dahil ang mga agent ng Enforcement Team ay may malawak na koneksyon. Lahat na mga miyembro nila ay nanggagaling sa pinakamaimpluwensiyang pamilya sa bansa. Bukod dyan, sumasailalim din sila sa masinsinang Martial Arts training. Alam ko lahat ng 'yon dahil 'yong half brother nating si Seiji Sawada ay kilala rin mismo bilang Agent 102 ng Enforcement Team." Sagot ni Mitsuzaki.
"Oo nga pala! Naikwento mo na rin sa'kin 'yan. Pang apat nga pala sa pinakamalakas do'n ang half brother mo." Sabi naman ni Wakato.
Sa ranking kasi ng Enforcement Team, ang kinikilalang pinakamalakas sa kanila ay ang kanilang founder at President na si Ruwi Ichikawa. Sinundan ito ng kanilang Vice President, Agent 101, Agent 102 at padagdag pang bilang. Kaya base sa kanilang agent number ay malalaman na kung pang-ilan sila sa pinakamalakas. Bawasan lamang ito ng 100 at dagdagan ng 2 (or simply subtract 98).
"Kung ganon, maswerte ka palang inalok ka nila sa Enforcement Team!" Wika ni Sheichiro kay Wakato.
![](https://img.wattpad.com/cover/75437838-288-k67587.jpg)
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Novela JuvenilThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...