Sana matuwa kayo rito. Ito ang pinakapaborito kong eksena rito. Hehe!
Sheichiro Makihara at Multimedia
•••
Makaraan ang lagpas dalawang oras, 6 o' clock AM ay tapos ng kumain ng baon nilang almusal ang mga Karate Club members. Ang mga trainee naman na maagang natawag sa training at nagkaroon ng humigit-kumulang anim na oras na tulog ay tapos na ring mag-almusal habang ang iba ay kumakain pa lang sa loob ng tent. Maagang nag-ikot-ikot si Fujiero sa mga tent para gisingin ang mga natutulog pa at sabihan ang lahat na eksaktong alas syete ay bababa na rin sila sa bundok.
"Naku! Kailangan pala bumalik na kaagad dito si Zaimira. Kanina pa siya umalis, 'di ba?" Wika ni Miako kay Ashine matapos marinig ang anunsyo ni Fujiero na nasa loob ng kanilang tent at malapit sa kanilang harapan.
"Oo. Hindi kaya napahamak na siya?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.
Maaga kasing nagising si Zaimira kaysa sa kanilang dalawa. Alas singko pa lang ng umaga ay tapos na itong mag-almusal habang kakagising pa lang ni Miako at Ashine saka nagpaalam ito sa kanila na mag-iikot-ikot muna sa paligid ng bundok.
"Ano? Si Zaimira, napahamak?" Kaagad na tanong ni Fujiero matapos marinig ang usapan ng dalawa at hindi niya maiwasang labis na mag-alala.
"Hindi naman siguro, Grand Master. Nagpaalam naman siya sa'min na mag-iikot-ikot muna siya sa paligid." Kampanteng sagot ni Miako na iniisip na baka nasa kabilang tent lang ang kanilang kaibigan.
"Eh ang kaso nga lang, hindi namin siya nasamahan kaya mag-isa lang siya at nasa isang oras na rin siguro siyang hindi nakakabalik." Dagdag naman ni Ashine na tila may masamang kutob sa nangyari sa kaibigan.
"Talaga? Sinubukan n'yo na ba siyang hanapin siya?"
"Hindi pa." Sagot ni Ashine kay Fujiero.
"Pero baka nasa kabilang tent lang 'yon, nakikipagkwentuhan." Dagdag naman ni Miako na hindi na sinagot ni Fujiero. Sa halip ay brusko itong umalis sa kanilang harapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/75437838-288-k67587.jpg)
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Teen FictionThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...