22 | Week 2: 2.1 Meditation Techniques 2

173 80 53
                                    

Wakato Nagi at the multmedia. The young hilarious and innocent man in the story.

***

Nagulat naman si Zaimira sa naging reaksyon ng ate niya kanina. Habang nagme-meditate ay napaisip-isip din siya.



Zaimira: Parang ang istrikto naman ni ate pagdating sa club. Ganito ba talaga siya sa mga estudyante niya o gano'n lang talaga siya 'pag nagagalit? Bibihira naman kasi siyang magalit 'pag magkasama kami sa bahay. Hhmpp, makapag-meditate na nga lang. (wika niya sa sarili)



Makalipas naman ang ilang minuto ay huminto si Fujiero sa harapan ni Zaimira. Para mapadali ay tumulong na rin kasi siya sa pagtatanong sa mga trainee kanina.



Fujiero: Palagay ko hindi mo na kailangan pang magmeditate ng ganyan katagal. Alam ko naman na higit pa dyan ang kaya mong gawin, hindi ba?


Agad napadilat si Zaimira at napatingin sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan.


Zaimira: G... Gr.. Grand Master... (at naupo ito sa harapan niya)

Fujiero: Sabihin mo, matagal mo na ring alam ang sagot sa tanong na 'yon, hindi ba?

Zaimira: (agad napangiti) Siya nga. Sabi nga ng lolo namin, nauna pa raw ako matutong mag-karate bago ako matutong magbasa.



Napangiti naman nang husto sa kanya si Fujiero.



Fujiero: Talaga? Nakakatuwa pala! Ako kasi, wala pa ako sa ikatlong gulang nang matuto akong magsulat at magbasa. Kaya syempre, huli na ako nang matutong mag-karate. (Kwento naman niya. 4 years old kasi siya noon nang i-enroll sa Karate School)

Zaimira: Kasi naman isa kang henyo kaya maaga ka natutong magbasa.

Fujiero: Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan? (tila pa-humble niyang tanong)

Zaimira: Wala. Nalaman ko lang sa fan page mo. At tsaka, napanood ko rin 'yong iba mong mga video. Kaya pala, maraming nagkakagusto sa'yo.

Fujiero: Binola mo pa ako.



Bahagyang napangiti si Fujiero sa papuri nito.



Fujiero: Ang mabuti pa, magpaiwan ka na lang dito mamaya, para makapag-training ka na rin kasabay namin ng kapatid mo.

Zaimira: Training? Pero hindi ba mga member lang ng Karate Club ang madalas nagpapaiwan dito? Nakakahiya naman! At tsaka, sabi ni ate hindi raw ako dapat bigyan ng special treatment.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon