Week 2: 2.4 MV Agusta F4CC

64 35 2
                                    

Pasensya na kung ang bagal ng phasing... I really need it po kasi dahil bini-build-up ko pa ang mga characters bago dumating sa mas komplikadong yugto ng kwento.

Sana mabasa mo pa rin ito kapag may time ka. Ito na 'yong update na kinukulit mo sa'kin DanJeriel


MV Agusta F4CC at multimedia

•••

Samantala, kagaya nga ng inaasahan ay magkasama na naman si Sheichiro at Wakato subalit hindi nila ngayon kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Sa isang ATM booth ay excited ng mag-inquire si Sheichiro kung dumating na ba ang padala sa kanilang allowance. Mas gusto niya kasi na mag-inquire dito sa halip na online. Matapos i-insert ang card, pindutin ang kanyang pin number at mag-inquire ay nakumpirma na ni Sheichiro na nandoon na nga ang hinihintay niyang pera. Bagamat dati na siyang  may pambili ng motor ay hinintay niya pang makuha muna ang kanyang lisensya kagabi bago siya bumili ng sasakyan dahil baka matukso lang siya na magdrive kahit wala pa siyang lisensya. Sunod namang ininsert ni Sheichiro ang ATM Card ni Mitsuzaki na hindi niya pa naibibigay sa kapatid. Matapos mag-inquire ay nasiguro niya na rin na naideposito na ng kanilang ina ang ¥ 300,000 na allowance ni Mitsuzaki sa isang buwan. Katulad din ng sa kanya.






"Tara na!" Yaya ni Sheichiro kay Wakato matapos isilid sa kanyang wallet ang ATM Card nilang magkapatid.

"Sa'n na ba tayo pupunta p're?"

"Kakain muna tayo. Sa'n mo ba gusto?"

"Hhmmp! Do'n na lang tayo sa Uogashi Senryo. Masarap 'yong chirashi-donburi rice bowl nila do'n lalo na 'yong specialty nilang kaisen hitsumabushi." Mungkahi ni Wakato sa kaibigan.

"Talaga? Sa'n ba 'yon banda?"

"Sumunod ka na lang sa'kin. Dahil ngayon ako naman ang taya." Nakangiting wika ni Wakato.

Napangiti naman si Sheichiro sa kanya. "At kailan ka pa natulad sa ate mo?" Tanong nito.

"Ha?" Kunot-noong sambit ni Wakato.

"Ang weird mo kasi! Ako 'yong dinatnan ng allowance tapos ikaw ang taya."

"Nangyayari talaga 'yan! Samantalahin mo na lang dahil minsan lang ako manlibre." Nakangiti niyang tugon.






Makalipas naman ang ilang minuto, 7:20 PM ay nakabalik na rin si Fujiero sa Training House matapos niyang maihatid pauwi si Mizuki Fujiyama, ang trainee na aksidenteng nasugatan kanina. Naitahi na rin sa ospital ang sugat nito at nagkausap na sila ni Fujiero na hindi siya sasampa ng reklamo kaugnay ng insidente. Bilang isang datihan na sa Martial Arts, ay batid na ni Mizuki na ang mga ganoong aksidente ay natural na at parte lamang ng training. Ikinatuwa naman ng mga Karate Club members nang sabihin sa kanila ni Fujiero ang naging pasya ni Mizuki. Subalit si Fujiero ay tila dismayado pa rin dahil kahit sa kanyang pagmamadali ay hindi niya na naabutan pa si Zaimira pagbalik niya sa Training House.


Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon