Ryota Echizen at multimedia... the radical agent of Enforcement Team.
continuation....
****
Samantala, sa canteen ng mga 1st year ay patuloy na malalim ang iniisip ni Miako simula pa kaninang umaga. Hindi pa rin kasi maiwaglit sa isipan niya ang tungkol sa kalagayan ng kanyang ina.
"Nga pala, Miako, naitanong mo na ba kay Mitsuzaki kung sino talaga ang babaeng gusto ni Wakato?" Tanong ni Zaimira sa kaibigan habang kumakain ng rice bowl na chirashi-donburi.
"Ay naku! Hindi pa! Ang totoo kasi nyan, marami akong inaalala sa ngayon." Sagot ni Miako sa kanya.
"Gano'n ba? Sige, saka na lang kapag hindi ka na busy."
"Mukhang malabo na rin sigurong mangyari 'yan. Maghahanap kasi ako ng mapapasukang trabaho sa ngayon."
"Ha?! Bakit? May problema ba? Eh pa'no na ang pag-aaral mo?!" Sunud-sunod na tanong ni Zaimira na may halong gulat at pag-aalala.
"Iyon din nga ang pinoproblema ko. Si mama kasi..." Sandali siyang nahinto sa pagsasalita.
Damang-dama naman ni Zaimira sa tono ng pananalita nito na mabigat ang pinagdadaanan ng kaibigan niya. Mayamaya pa ay pumatak ang mga luha ni Miako at naalala ni Zaimira na idinala sa ospital ang mommy nito nang nagdaang araw.
"Si mama... Stage 4 na raw ang cancer niya." Pagpapatuloy niya at nagpatuloy na siya sa pag-iyak hanggang sa tabihan at yakapin siya ni Zaimira. "Ang daya-daya kasi!! Sabi ng doktor may taning na raw ang buhay niya!" Dugtong niya pa.
"Tahan na! Tahan na."
"Pero kahit ganon, gusto ko pa rin siyang ipagamot. Kaya naghahanap ako sa ngayon ng mapapasukang trabaho." Sabi niya pa at naghiwalay sila sa pagkakayakap.
"Pwede mo pa rin naman sigurong gawin 'yan habang nag-aaral. Hindi mo naman siguro kailangan pang huminto. Total sayang ng scholarship mo."
"Pero pa'no? Eh ilang araw na akong naghahanap sa internet at nagbabasa ng classified ads pero karamihan sa mga pwede kong pasukan puros full time job! At 'yong iba namang part time, sobrang baba na ng sahod! Eh kailangan ko pa namang maipagamot si mama." Sabi niya saka pinunas ang mga luha sa kanyang pisngi.
"Naiintindihan kita. Sandali at mag-iisip ako."
"Oh sige."
Mayamaya pa ay dumating si Mitsuzaki para saluhan sila ngayong tanghali. Subalit mag-isa lang siya at hindi niya kasama si Wakato. Paglapit niya kay Miako ay hinalikan niya ito sa pisngi bago naupo.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa kasintahan habang pilit ngumingiti.
"Hindi pa." Sagot ni Mitsuzaki.
"Kamusta na nga pala 'yong bilin ko sa'yo ng nakaraang araw? Nakausap mo na ba ang daddy mo?" Tanong nito.
"Hindi pa. Hindi kasi siya umuwi sa bahay nitong weekend kaya hindi kami nagkapag-usap."
"Gano'n ba?" Sambit niya na halatang mas lalong lumungkot ang tinig.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Novela JuvenilThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...