15 | Week 1: 1.5 Rivalry

251 92 74
                                    

Dedicated to adiksalove05
Thanks for the votes and comments.

Kisuki at Multimedia.

***

3:15 PM, sa puntong ito ay English naman ang sunod na subject kaya pabor kay Sheichiro ang exam. Sa nagdaang limang taon kasi ay sa America siya nag-high school kaya fluent siya sa English higit kanino man sa klase nila. Makalipas ang 20 mins. ay natapos niya na agad ang test. Tumayo siya para ipasa ang kanyang papel sa guro. Pinatunog niya pa ng dalawang ulit ang kanyang dila na tila ba nang-aasar sa noo'y sumasagot pang si Fujiero. Napakagat naman si Fujiero sa ibaba niyang labi sa pagpigil niya sa galit dito at pasimple niya na lang na inabante ang kaliwang paa habang dumaraan si Sheichiro sa harapan niya para mapatid ito. Mabuti na lang at hindi naman si Sheichiro gaanong nawalan ng balanse sa katawan at napahawak pa siya sa upuan ng isa niyang kaklase kaya hindi siya nadapa.


Nanlilisik ang mga mata ni Sheichiro nang lumingon siya sa noo'y nakangiting si Fujiero at si Yunjiro naman ay natatawa din sa nangyari. Subalit si Yawne ay nabahala.



"Naku po! 'Wag naman sana silang magbugbugan!" Pabulong na sabi ni Yawne.


"Maswerte ka at nasa klase tayo ngayon. Kung hindi, mananagot ka sa'kin." Sa isip ni Sheichiro at tahimik niya na lang na pinasa ang kanyang papel sa guro saka bumalik sa kanyang kinauupuan.



"Kapag magkataon, alam naman natin kung sino sa kanila ang makakawawa." Sabi naman ni Yunjiro.

"At sino naman ang nagsabi sa'yong pumapatol ako sa mga hindi ko kalebel? Parang hindi mo naman ako kilala nyan, Yunjiro." Mayabang at nakangiti na sabi ni Fujiero.

"Ang yabang talaga! Humanda ka sa'kin mamaya!" Bulong ni Sheichiro matapos marinig ang sinabi ni Fujiero.



At sa huling exam din ay tila makakabawi naman si Fujiero. Japanese kasi ang huling subject nila sa Pre-Test at sino pa ba naman ang makakatalo sa isang henyong kagaya niya na mula nang ipanganak ay namulat na sa wika, kasaysayan, kultura at ideolohiyang Hapon.



Kung ikukumpra kay Sheichiro na dalawang taon lang noon nanirahan sa Japan at makalipas ang 10 yrs. ay ngayon lang ulit nakabalik, ay 'di hamak na milya-milya din ang lamang ni Fujiero kay Sheichiro pagdating sa subject na ito. Kung kaya't hindi na nakapagtatakang 15 mins. lang ay siya ang unang nakatapos sa test. Katunayan, limang minuto matapos ang pagpasa niya ay nakasunod pa si Yunjiro, Ryota at Kisuki bago matapos si Sheichiro. Subalit tahimik lang si Fujiero at hindi na nagparinig ng anumang pagmamayabang.




Mayamaya pa, eksaktong 5:00 ay kinolekta na ng teacher nila ang test paper at saka pa lamang sila sabay-sabay na idinismiss para sa 'o soji.'

Sa locker...



"Hay, sa wakas! Natapos din!" Sabi ni Megumi.

"Oo nga. Grabe! Dumugo talaga ang utak ko ngayon." Sagot naman ni Miya.

"Pa'no naman nangyari 'yon? Eh ang alam ko, komopya ka lang naman sa'kin ah!" Panunupalpal ni Kisuki sa kanila.

"Sobra naman 'to! Eh Pre-Test lang naman 'yon." Sagot naman ni Miya.

"Pero in fairness, dinibdib talaga ng dalawang henyo! Napansin nyo ba 'yon? Parang nagpapagalingan sila." Sabi naman ni Harumi.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon