16 | Week 2: 2.1 Score (Part 1)

160 87 40
                                    

Dedicated to mahal-kita-12

**Thanks for the comments and votes**

Siya si Youmiko Ashida, tinuturing niyang mortal na karibal ni Yawne sa puso ni
Ruwi Ichikawa. Siya rin ang Vice-President ng Enforcement Team.

***

Monday

Sa paglipas ng dalawang araw ng weekend, ay tila naubos lang ang oras ng karamihan sa mga estudyante sa pansamantalang pagpapahinga sa bahay o di kaya'y sa pamamasyal sa mga park na may cherry blossom. Habang ang ibang mga palaaral naman ay panay ang pamimili sa bookstore ng bibilhing libro o di kaya'y abala sa pag-aadvance study gamit ang internet. Ang mga kikay naman na may kaya sa buhay ay asahan ng hindi pa rin magkamayaw sa pagsa-shopping sa mall, pagpapaganda sa salon o di kaya'y pagre-relax sa spa. Ang mga body and weight conscious naman ay hindi pa rin paawat sa pagpapapawis sa gym habang ang mga mahilig naman sa party o night out ay sa mga bar nagliliwaliw. Tiyak nga naman na kung ano man ang hilig o personalidad mo ay merong lugar na nababagay sa'yo sa siyudad ng Tokyo.



Lunes ng umaga, kasabay ng pagsikat ng araw sa tinaguriang "Land of the Rising Sun," ay siya namang pagbangon ni Yawne mula sa kanyang higaan. Alas kwatro pa lang ay pumunta na siya agad sa banyo para maligo. Sampung minuto lang din ang lumipas at nag-ring na ang larm clock ni Zaimira sa kwarto niya.



"Hay... Nakakaantok pa talagang bumangon ngayon pero kailangan kong sundin ang payo ni ate para maging malakas ako para sa mga training." Wika ni Zaimira bago patayin ang alarm clock.

"Zaimira! Zaimira!" Tawag ni Yawne sa kapatid habang kinakatok ang pinto ng kwarto nito.

"Gising na 'ko ate. Hintayin mo na lang ako saglit." Sagot sa kanya ni Zaimira na sinadya talagang lakasan ang boses upang marinig nito.

"Oh sige! Pagkatapos mong maligo bumaba ka na lang agad dito."

"Oo."



At mayamaya pa ay uminom lang sila ng maraming tubig bago mag-umpisang mag-jogging.




"Nakakatuwa talaga 'pag namumukadkad na ang mga cherry blossom! Ngayon pa lang amoy na amoy ko na ang halimuyak sa dinaraanan natin!" Masiglang sambit ni Zaimira habang nagjo-jogging kasama ang kapatid.

"Ako din! Ano mang oras, mapahapon man, umaga o gabi, tiyak nga namang hindi nakakasawang pagmasdan at maamoy ang mga cherry blossom." Sabi naman ni Yawne.

"Siguradong dadagsa na naman nito ang mga turista sa Japan para sa Cherry Blossom Festival!" Nagagalak niyang sabi.




Subalit matapos ang ikatlong balik nila mula sa Aeoua patungo sa kanilang bahay ay nakadama na ng pagod at gutom si Zaimira. Tagaktak na rin ang pawis niya sa noo at likod.



"Kailangan bang gawin natin 'to ng makalimang ulit, ate?" Tanong niya sa kapatid nang huminto sila saglit sa labas ng kanilang bahay.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon