Dedicated to DanJeriel
Thanks for the awesome book cover. It is highly appreciated.😄
***Yunjiro Yamashita at mutimedia. Boyfriend of Michiko Yamaguchi and bestfriend of Yawne and Fujiero.
****
KINABUKASAN, araw ng Miyerkules, eksaktong alas otso ng umaga sa clock tower ay mabilis na nagpapaharurot ng motor sa daan ang magkapatid na Mitsuzaki at Sheichiro Makihara. Magkaangkas lang sila sa bagong motor na minamaneho ni Mitsuzaki at pareho silang malapit nang ma-late sa klase. Hatinggabi na kasi nang makauwi sila mula sa isang bar kung saan sumunod din si Mitsuzaki matapos niyang ihatid ang girlfriend niya pauwi kagabi.
"Bilis-bilisan mo naman!" Naiiritang sabi ni Sheichiro sa kapatid.
"Sagad na 'to. Pag lumagpas pa ako sa speed limit, huhulihin na nila tayo." Sagot naman ni Mitsuzaki sa kanya.
Hindi na napaimik pa si Sheichiro at mayamaya ay nakahanap ang kapatid niya ng pagkakataon para makapag-overtake nang kaunti at sandaling iokupa ang kanang lane ng daan. Kumpara kasi sa ibang mga bansa, sa Japan ay laging kaliwang lane ang dapat na daanan ng sinumang driver. Hindi katulad ng sa Pilipinas na nasa kanan dapat. 80 to 100kph din ang speed limit sa expressways sa Japan habang 30 to 60kph naman sa local roads.
Habang pangiti-ngiti si Sheichiro ay bumusina naman agad ang isang kotseng nasa likuran nila na tila nagmamadali at nais ding mag-overtake pa sa kanila. Kasalukuyan kasing nasa gitna ng kanang lane ang motor ni Mitsuzaki kaya hindi makadaan ang kotse. Napatingin agad si Sheichiro sa kaliwang side mirror at nakita niya ang isang Zonda Pagani Roadster - ang sasakyang pinapangarap ng halos lahat na driver. Hindi pa nakontento si Sheichiro at napatingin siya sa likod para kilalanin kung sino ang nagmamay-ari ng luxury car.
"Huwag mong padadaanin." Wika niya sa kapatid nang makitang ang naka-shades na si Fujiero ang nagmamaneho ng Pagani Roadster.
"Ano?" Tanong ni Mitsuzaki sa kanya.
"Basta, 'wag mong padadaanin." Sabi ulit ni Sheichiro.
Bumusina pa ulit si Fujiero matapos lumingon sa kanya kanina ang kinaiinisan niyang si Sheichiro subalit hindi na siya nito pinansin at hindi rin siya pinagbigyan ni Mitsuzaki sa daan. Paminsan-minsan kasi kahit maaga pang gumising si Fujiero ay lagpas alas otso na siya kung pumasok o kaya'y eksakto lang sa 8:30 na time. 'Yon ay dahil ilang oras pa ang inilalaan niya araw-araw para sa Martial Arts Training o kaya'y sa pag-exercise sa gym sa kanyang bahay. At kung mahaba-haba pa ang oras na natitira ay tumatambay naman siya sa kanilang library bago umalis sa kanyang bahay.
Ilang segundo lang ang lumipas at lumuwag na rin ang daloy ng trapiko sa kaliwang lane at wala ng nagawa pa ang magkapatid na Makihara kundi iokupa ang tamang daan. Si Fujiero naman ay agad ipinaharurot ang kanyang kotse at nanatili lang sa kanang lane habang tinatapatan ang bilis ng pagmamaneho ni Mitsuzaki.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Novela JuvenilThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...