Zaimira Azikawa at Multimedia.
***
Matapos ang 'o soji' ay excited ang karamihan sa mga 1st year at transferee na tumungo sa kani-kanilang mga club house at mag-umpisang magpraktis. Ang mga basketball player sa court; ang mga tennis player sa lawn; ang mga soccer player sa field; ang mga swimmer naman sa pool; at higit sa lahat, ang mga aspiring karateka sa training house.
5:20 PM ay marami-rami na rin ang bilang ng mga estudyante sa loob ng training house. Higit tatlong daan kasi ang nagpalista ngayong taon sa Karate Club. Malaking porsyento iyon sa bilang ng mga 1st year na nasa humigit kumulang limang daan lamang. Silang lahat ay tinipon at pinaupo sa malinis na sahig ng training house na para bang mga estudyante ng isang mahusay na Grand Master.
"Nakita mo na ba siya Zaimira?" tanong ni Miako sa kaibigan na tila ba aligaga sa kakalingon sa mga estudyanteng kapwa din nila nakaupo.
"Ha?" Napakunot-noo siya pero agad ding sumagot, "Hindi pa nga eh! Teka, sino ba'ng tinutukoy mo?"
"Si Sheichiro! Sino pa ba? Nakita mo na ba siya?"
"Ah, hindi pa. Hinahanap ko nga rin sana si Wakato eh! Pero baka pareho na rin silang nandito sa loob."
Napatango na lang sa kaniya ang kaibigan. Mamayamaya pa ay tumayo si Fujiero at lumapit kay Yawne na nasa unahan ng lahat. Syempre, hindi rin mawawala doon ang tagahanga niyang si Ashine na tumakas pa kanina sa 'o soji' para magkaroon ng magandang pwesto sa unahan, at nang malapitang matitigan ang crush niya.
"Ngayong nandito na ang halos lahat, palagay ko pwede na rin tayong magsimula. I now officially give the floor to our Karate Club Grand Master of Japan, Mr. Fujiero Ichikawa!" wika ni Yawne sa microphone at sinundan iyon ng kanyang pagpalakpak at maging ng mga lehitimong miyembro ng Karate Club.
Ang mga 'aspiring karateka' naman o 'trainee' ay agad tumayo sabay bahagyang yuko sa Grand Master.
"Salamat. You may take your seat." Sumunod naman ang mga ito sa kaniya.
"Gano'n pala 'yon?" tanong ni Miako kay Zaimira. Agad na lang kasi siyang nakigaya sa ginawa ng nasa unahan niya kanina.
"Oo. Bilang paggalang."
At eksaktong ganoong senaryo rin ang nadatnan ni Sheichiro na kararating pa lamang.
"Kalokohan!" mahina niyang sabi habang maangas na naglakad palapit sa karamihan.
"Good Afternoon! Welcome to Karate Club Ultimate Training! Kagaya nga ng nakagawian, ngayong taon ay magre-recruit ulit kami ng mga panibagong miyembro sa lahat na panig ng Japan! Katulad pa rin ng dati, walang limit sa bilang ng mga kukuning miyembro, basta't maipasa ninyo ang pitong napakahirap at hindi birong mga training na madalas tawagin nila bilang-mga buwis-buhay na pagsubok!" pambungad nj Fujiero sa lahat.
"Buwis-buhay?" Agad na reaksyon ni Ashine, maging ng iba.
Doon na nag-umpisa ang bulung-bulungan tungkol sa mga naririnig nila kung gaano nga kahirap makasali.
"Balita ko hindi lang daw sa pagsuntok o pagsipa ang saklaw ng training! Hinahasa daw nila ang lahat maging sa paggamit ng espada, patalim at baril."
"Hindi ba, delikado 'yon?"
"Kaya nga exciting eh! Tsaka kung natatakot ka na, pepwede naman daw umayaw any time."
Agad namang napalunok si Ashine at kinilabutan dahil sa narinig niya sa mga katabi, habang si Wakato na nakaupo sa malayo ay tila nae-excite pa.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Ficção AdolescenteThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...