Yureka Hanabishi at multimedia.
Matapos kumain ay nagpaalam na kaagad si Ashine sa dalawa ngunit hindi niya sinabi dito ang pakay niyang hanapin ang grupo ni Tojiema na siyang pinaghihinalaan niyang may kagagawan sa nangyari. Hindi na kasi siya makapaghintay na makita ang mga ito bago mag-time at mas lalong ayaw niya ring umeksena mamaya at sitahin ito sa kanilang room sa harapan ng kanilang mga kaklase.
12:50 PM ay tapos na ni Ashine na ikutin ang apat na canteen sa Aeoua pero ni anino ni Tojiema ay hindi niya nakita. Mayamaya pa ay naisipan niyang magpahinga sa isang bench. Subalit matapos kumain kanina ay naramdaman niyang mas sumisikip ang paldang suot niya sa tuwing siya ay nakaupo. Kaya ilang minuto lang ay tumayo ulit siya at nag-ikot-ikot sa may flower pot.
"Pahirap talaga! Pagkatapos ng class hours magpapalit ako kaagad ng damit." Sa isip ni Ashine.
May P.E. uniform kasi siya sa locker pero wala siyang extrang uniform doon na blouse at skirt.
Ilang segundo pa ay nakita ni Ashine ang grupo ni Tojiema na nakatambay sa isang flower pot at panay na naman ang halakhakan ng mga ito. Tila ba ang sabay-sabay na tawanan nila ang pinakanakakaasar niya na sa lahat. Sa sobrang inis ni Ashine kahit pa hindi niya sigurado kung siya ang pinagtatawanan ng mga ito, ay kinuha niya ang unang batong nakita niyang malapit sa kanyang paanan. Tinitigan niya ang target at walang ano pa ma'y hinagis niya ang bato papunta dito.
"Sapul ka ngayon!" Wika niya matapos maasinta ang kaaway.
"Aray!" Bulalas ni Tojiema matapos tamaan ng bato sa kanang sentido. Napahawak pa siya sa kanyang sentido.
Mabuti na lang at hindi siya nasugatan. Natigil naman ang tawanan nilang lahat sa nangyari at nakita nila si Ashine na papalapit sa kanila.
"Kayong lahat, pinlano niyo ba talagang pagtripan ako kanina ano?" Sigaw ni Ashine sa kanila.
"Ano bang sinasabi mo diyan? Eh laruang daga lang naman ang pinakita ko sa'yo at hindi ko na kasalanan kung takot ka pala pati do'n." Sagot ni Tojiema sa kanya.
"Huwag ka ng magmaang-maangan pa! Alam ko naman na nilagyan niyo rin ng pandikit ang upuan ko!" Inis niyang sita pa dito.
"Wala na akong alam do'n. Itong si Korajie, baka siya ang may gawa." Maang-maangan namang sagot ni Tojiema sa kanya.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Novela JuvenilThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...