4085 words ito. Be patient..
Yawne Azikawa at multimedia
•••
Pagsapit ng 11:25 PM ay higit dalawang daan na ang bilang ng mga trainee na nakarating sa travelers' hut. Nauna ng makarating doon ang grupo ng mga kalalakihan na mabilis maghiking. Naroon na rin halos lahat na kabilang sa advanced training na sinanay ni Fujiero ng Karate buong linggo. Maging ang nasugatan kahapon na si Mizuki ay nakapagpa-check na rin ng kanyang pangalan sa attendance. Ngunit si Zaimira ay hindi pa rin nakikita ni Fujiero. Lumabas si Fujiero sa travelers' hut. Iginala niya ang tingin sa napakaraming trainee na nakatambay sa paligid ng mga tent at naghihintay na mag-umpisa ang takdang oras para sa training 1. Naglakad-lakad pa si Fujiero bagamat malabong makita niya si Zaimira sa gitna ng mga trainee. kanya-kanyang kwentuhan ang mga ito habang nagpapatugtog ng kanilang cellphone at iba pang gadgets. Ang ibang kababaihan naman ay hindi alintana ang dilim sa kanilang paligid at nakuha pang magpicture taking o magselfie.
"Ano ba 'tong ginagawa ko?" Tanong ni Fujiero sa sarili matapos maghanap-hanap at hindi niya makita si Zaimira.
Napahinto na lang siya sa isang tabi at tahimik siyang napaisip sa kanyang sarili. Alam niya naman kasi na hindi pa nagpapa-check ng attendance si Zaimira kaya malamang na hindi pa siya nakakarating sa travelers' hut, pero bakit kaya nagbabaka-sakali pa rin siya na hanapin ito at makita ang dalaga sa gitna ng napakaraming mga trainee?
Napaisip pa ng malalim si Fujiero at napaupo siya sa ibabaw ng isang bato. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ilang sandali lang ay muling nanariwa sa kanyang alaala ang araw na una niyang nakita si Zaimira – ang unang araw ng pasukan ngayong taon. Binuksan noon ni Fujiero ang Training House kasama si Yawne at una niyang napansin ang isang makinang na espada na nakaturo sa sahig. Unti-unti niyang inangat ang tingin at nakita niya ang sexing legs ni Zaimira pati na rin ang katawan nito suot ang uniform ng Aeoua High. Ngunit tila mas nakakaakit pang tingnan ang mukha ng dalaga at kung meron mang nakasilaw nang husto sa paningin ni Fujiero, hindi ang espadang hawak ni Zaimira kundi ang kagandahang taglay niya habang tinititigan siya ni Fujiero sa mga mata. Tila mas nakakahalina pa nang sabayan iyon ng paglaglag ng petals ng bulaklak na hinati ni Zaimira gamit ang espada matapos niyang ihagis paitaas ang bulaklak kanina.
Samantala, habang malalim na napapaisip si Fujiero sa isang tabi ay nakaupo naman sa may damuhan ang naninigarilyong si Sheichiro kasama si Wakato at silang dalawa ang unang nakita nina Zaimira nang makarating na sila sa may travelers' hut. Agad namang napatayo ang dalawang lalaki nang makita sila. Itinapon pa ni Sheichiro sa damo ang kanyang sigarilyo bago lumapit sa mga babae at mabuti na lang na hindi naninigarilyo si Wakato nang oras na 'yon dahil baka mahuli pa siya at pagsalitaan na naman ni Ashine.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Genç KurguThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...